Biyernes, Abril 17, 2020

Proyekto

Sa mga naghahanap sa inyo ng gawaing kaugnay ng ating kasalukuyang talakayan, heto ang para sa inyo: ang proyekto.

Maari ito gawin mag-isa, dalawahan, tatluhan, apatan o limahan (Limang tao ang maximum).

Bumuo ng isang video o slide presentation (o kahit anong ibang hawig na anyo) na siyang magpapaliwanag kung ano ang sozein ta phainomena at magpapakita rin kung paano naisasakatuparan ang prinsipyong ito sa larangan o disiplinang pinili mo/ninyo).

Sa madaling salita, dalawa ang aasahan sa inyong ipapasa:
1. Paliwanag kung ano ang sozein ta phainomena
2. Isang halimbawa kung paano ito natutupad sa loob ng isang larangan/disiplina

Kung dalawahan kayo o grupo, gawin ang pagpupulong ninyo online dahil nga ipinagbabawal tayo sa panahong ito na lumabas ng ating mga bahay. Gawin lamang bilang grupo kung talagang nais at kaya ninyo tuparin online.

Kung video, hindi dapat lalagpas ng limang minuto at kung slide presentation, mga 10 hanggang 15 ang bilang ng mga slide.

Ipasa sa aking email ang iyong/inyong proyekto bago mag alas-tres ng hapon (15h00) sa Biyernes 24 Abril.

 Ang gawaing ito ay boluntaryo/opsyonal at hindi mamarkahan (tingnan ang nauna kong anunsyo noong 13 Abril).

Nawa'y maging masayang pagkakataon ito para matuto. Aasahan kong magamit ninyo ang angkin ninyong pagkamalikhain at pagkamaparaan. Hihintayin ko ang inyong mga proyekto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento