Unang
una, binabati ko kayo. Ngayong nasa katapusan na tayo ng “Yugto 6: Analogia,”
nakaraos tayo sa pinakametapisikal na bahagi ng ating kurso. Nawa’y ito’y
naging pamamaraan para sa ating lahat na lalong magising at magtaka sa
kalaliman ng meron bilang analogia.
Tututukan
ko lang dito ang dalawang mahalagang paksa:
Una:
Ang pagpapakita ng meron-ito ay palaging mahiwaga.
Kilalala
ko na ba ang aking sarili? Kilalala ko na ba ang kapwa-tao? Tamang sabihing
hindi pa, ngunit hindi rin nito ibig sabihin na wala talaga tayong alam. Kilala
ko, kahit paano, ang isang taong malapit sa akin, ngunit sa kabila nito,
nananatili pa rin siyang mahiwaga kung kaya’t patuloy akong nakaantabay,
naghihintay sa magiging pagpapakita ng meron.
Hinahayaan kong maging meron-ito ang meron-ito at hindi ko
pinangungunahan. Ang meron at hindi ang nabuo ko nang mga konseptong minemorya
sa isip ang aking tinututukan.
Pangalawa:
Ang bawat pagbigkas sa meron ay bungang isip at analogum.
Hindi
ako naglalagay ng mga istriktong hangganan, bagkus patuloy akong nagbubukas ng
sarili at nagtataka. Patuloy kong ibinababad sa meron ang aking pagbigkas dito.
Gising ako sa hiwaga ng analogia; ayon sa paksa. Ang tao ay tao, iyan ay meron.
Hawig ito sabay iba sa aso. Sapagkat ang aso ay aso, iyan ay meron din.
Parehong pareho, sabay ibang iba. Natatameme at nauutal ako ngunit nasa akin pa
rin ang kakayahang maging tapat sa meron at bigkasin ito sa abot ng aking
makakaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento