Linggo, Marso 22, 2020

Pagpapaliban ng mga gawaing mamarkahan sa ngayon

Maraming salamat sa mga tumugon sa akin sa pamamagitan ng email. Pasensya na kung pabago-bago ang ating mga kalakaran dala ng paiba-ibang mga panuto mula sa administrasyon tungkol sa mga gawain natin sa ngayon. Hindi na tayo dapat magulat. Kung tunay ngang patuloy na nagbabago ang meron, dapat lang patuloy din nating baguhin ang ating mga konsepto't sistema.

Kaya't sa ngayon, ipagpapaliban muna natin ang ating unang pagsusulit ngunit mungkahi ko na ituloy niyo lamang ang pagsulat ng inyong mga mapagmuning papel. Mag-email na lang kayo sa akin kung mayroon kayong pagnanais ikonsulta sa akin ang inyong paksa. Abangan ang abiso kung paano ninyo ito ipapasa sa akin sa Abril.

Sa mga nag-email na kailangan nila ng kopya ng ating aklat, abangan ang tugon ko na naglalaman ng kopyang pdf.

Sa mga nag-email na handa na sila magsulit, magpapadala na lamang ako ng katanungang maaaring talakayin bilang TALAARAWAN na siya namang hindi mamarkahan at walang epekto sa magiging marka ninyo sa kurso. Sana'y siryosohin niyo pa rin sapagkat ang inyong pagsusulat ng mga pagmumuni ninyo ay malaking bahagi pa rin ng online learning. Hindi nga ba't ang pilosopiya ay ginagawa?

At dahil patuloy nga ang online learning, magsisimula na ako magpaskil sa blog na ito ng mga gabay sa pagbasa ng 7 Yugto: Agham at Meron sa Miyerkules, 25 Marso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento