Mga
katoto:
Kumusta
na kayo? Nawa’y lahat tayo, sampu ng ating mga pamilya at mahal sa buhay ay
ligtas sa kasalukuyang salot na COVID-19. Nawa’y makaraos tayo sa mga hamon na
hatid ng pag-iingat laban sa sakuna.
Maraming
salamat sa inyong sumusubaybay sa blog na ito at nagpapadala sa akin ng
talaarawan. Ganito muna magpapatuloy ang ating kurso sa ngayon. Huwag
mag-atubiling magpaskil ng komento dito o magpadala ng email tungkol sa anuman.
Ilang
mga pagbabago sa mga hinihiling ng kurso natin:
1. Hindi
na matutuloy ang pasulat na pagsusulit. Tatanggalin na ito sa mga hinihiling ng
ating kurso.
2. Nakaatas
pa rin sa inyo ang pagsulat ng mapagmuning papel. Kung makababalik tayo sa
silid-aralan sa Abril, ilalagay natin ang huling araw ng pagpasa isang linggo
mula sa pagbabalik muli ng klase. Para sa mga magbabalak magpasa ng papel sa
orihinal nitong patay-guhit (deadline… hehe) maaaring magpasa nito sa
pamamagitan ng email. Hindi ito ipinipilit at boluntaryong maaaring gawin. Ang
haba ng papel ay 600-950 salita. Ang file name ng inyong ipapasa ay ang inyong
ID number at ipasa ito bilang attachment sa dalawang anyo: isang *.doc at isang
*.pdf. Sa mga magpapasa ng papel bago lumipas ang 3 Abril, lalagyan ko ng mga
komento ang papel at bibigyan ng pansamantalang marka at makikita niyo agad ang
mga ito pagbalik muli ng klase. Maari niyo aregluhin ang papel at ipasa muli
matapos ang isang linggo. Kung hindi kayo magpapasa muli, magiging opisyal na
ang pansamantalang marka.
3. May
iaatas ako sa inyong proyekto na kapalit ng pangkatang ulat. Maghintay ng
anunsyo para sa mga detalye.
4. Hintayin
din natin ang mga mangyayari sa susunod na buwan upang makita kung paano natin
gagawin ang huling pagsusulit sa Mayo.
Samakatwid,
tatlo na lamang ang mga hinihiling ng kurso at magkakaroon ang mga ito ng
binagong timbang/bigat:
A. Mapagmuning
papel 35% ng huling marka
B. Proyekto:
30% ng huling marka
C. Huling
pagsusulit 35% ng huling marka
Maaari
pang mabago ang mga ito kaya’t nais ko rin marinig ang inyong mga reaksyon,
muni, at mungkahi tungkol sa mga ito.
Maraming
salamat sa inyong pasensya at pagsubaybay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento