Mga katoto:
Ayon nga sa nakasaad sa ating silabus, hindi tayo magtatagpo upang magklase sa mga araw ng ika-3 hanggang ika-6 ng Marso para sa mga palabas.
Para sa Ph 11.04:
Hindi tayo magtatagpo sa klase sa Miyerkules at Biyernes (4 at 6 Marso). Ang inilibreng oras na ito ay kapalit ng panahong kailangan ninyo upang panoorin ang (mga) pelikula sa sarili ninyong oras.
Magbibilin ako ng usb na ipahihiram ko sa mga beadle ng mga klase upang makapagpakopya ng 3 pelikula na maaaring pagpilian ng mga estudyante. Makipag-ugnayan na lamang kayo sa inyong mga beadle.
Para sa Ph 102:
Imbes na magklase sa mga nasabing araw, maaari ninyong panoorin ang alinman sa dalawang palabas na ito:
Werk ohne Autor
[Obrang Walang Maylikha]
Unang Bahagi: Martes 3 Marso 08h00-09h20 sa MMR Batch 83 Rm, Rizal Library
Ikalawang Bahagi: Huwebes 5 Marso 08h00-09h20 FAVR
Das Leben der Anderen
[Ang Mga Buhay ng Iba]
Unang Bahagi: Martes 3 Marso 09h30-10h50 sa MMR Batch 83 Rm, Rizal Library
Ikalawang Bahagi: Huwebes 5 Marso 09h30-10h50 FAVR
Mahalagang paalala: upang lubos na masakyan ang pelikula at makita ang konteksto nito, kailangan ng kaunting kaalaman ukol sa kasaysayan ng Alemanya kung kailan hati pa ang nasabing bansa sa dalawang bahagi: ang malayang kanluran at ang komunistang silangan. Ganito ang sitwasyon sa nasabing bansa mula noong natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945 hanggang sa muling pagbubuo ng bansa bilang iisang Alemanya noong 1990.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento