Martes, Hulyo 2, 2019

Unang Pagsusulit Ph 101 JTA

Para sa Ph 101 JTA:

Tuloy ang ating pagsusulit bukas:

3 Hulyo 2019
07h50-10h50
Escaler Hall

Maaring pumasok sa bulwagan anumang sandali sa loob ng nabanggit na tatlong oras. Ilagay ang lahat ng iyong gamit, kasama na ang telepono, tablet, laptop atbp. sa loob ng iyong bag at ideposito ang iyong bag sa harap ng bulwagan. Siguraduhing nakadalaw na sa palikuran bago ka magsimula sapagkat kapag nakuha mo na ang iyong blue book, hindi ka  maaaring lumabas nang hindi mo ipinapasa ang iyong blue book. Hindi mo na mababawi ang blue book na naipasa na.

Tingnan ang nakalakip na tanong at magsulat ng sanaysay na tugon sa katanungang ito. Maaaring gamitin ang likod ng blue book upang gumawa ng burador, balangkas at iba pang paghahanda para sa isusulat na sanaysay. Sa iyong pagsulat, ugaliing doble-layo ang mga linya na iyong sinusulatan. Ang hangganan ng haba ng sanaysay ay ang hangganan ng isang (1) blue book.

Maaari lamang magpasa ng blue book simula 09h20. Ipasa sa guro ang iyong blue book, kunin ang iyong gamit at tahimik na lumabas ng bulwagan.

Sundin lamang ang mga gabay na ito para sa ating pagsusulit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento