Martes, Hulyo 9, 2019

Mapagmuning Papel

1. Panoorin ang alinman sa dalawang pelikulang ito:

Sen to Chihiro no Kamikakushi
ni Hayao Miyazaki
2001 Studio Ghibli

Ready Player One
ni Steven Spielberg
2018 Amblin Entertainment


2. Bumuo ng isang tanong o paksa na umantig sa iyo sa iyong panonood. Kung mas tutok ang tanong/paksa, mas mabuti. Maaaring tumutok sa isang tauhan, sa isang eksena, isang simbolismo, o isang tema at pagmunihan ito.

3. Magsulat ng isang mapagmuning papel na may ganitong mga parametro: A4 ang papel; isang pulgada mula sa bawat gilid ang palugit; times new roman 12 puntos ang titik; doble layo ang mga pagitan ng mga linya sa isa't isa (pati pagitan ng mga talata ay ganito rin); tatlong pahina ang haba.

4. Huwag maglagay ng anuman sa simula ng papel maliban lang sa pamagat kung nais mong bigyan ng pamagat ang iyong sanaysay. Ilagay ang iyong pangalan sa katapusan ng sanaysay.

5. Ipasa ang iyong papel bago lumipas ang araw ng Miyerkules 17 Hulyo kung nais mong makitang namarkahan na ang iyong papel sa study day (Lunes, 22 Hulyo). Maaaring magpasa ng papel hanggang Biyernes 19 Hulyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento