Lunes, Hulyo 22, 2019

Pagsauli ng mapagmuning papel

Mga Katoto,

Namarkahan na ang inyong mga papel at maaari nang makuha ang mga ito simula ngayong araw ng Lunes, 22 Hulyo. Kung mag-uulat ngayon ang inyong pangkat, asahang matanggap ang papel pagkatapos ng inyong ulat. Sa mga nag-ulat na at nagnanais makuha na ang mga papel, sadyain niyo lang ako ngayon hanggang alas-5 ng hapon mamaya.

Maaari rin makuha ang papel sa Sec A118 sa mga oras ng pagsusulit sa mga sumusunod na araw. Maaring hingiin sa akin ang papel sa pagitan ng mga presentasyon ng mga magsusulit sa mga oras na iyon.

Maraming salamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento