Miyerkules, Nobyembre 20, 2019

Mga Pangkatang Ulat

Mga panuto:

1. Maghanda ng labinlimang (15) minutong ulat na hahatiin sa apat (4) na kasapi ng grupo.
2. Ang unang kasapi ay magbibigay ng pangkalahatang pambungad sa teksto ninyo, Isang buod/paglagom sa mga tema, tanong, o problemang hinarap ng teksto at ang pangkalahatang halaga ng tektsto.
3. Ang pangalawang kasapi ay maghahain ng mga temang tinamaan ng teksto na siyang nakaugnay sa ating mga binasa at tinalakay sa klase. Magbibigay din siya ng paglalarawan ng bawat tema upang lumitaw ang nasabing kaugnayan.
4. Ang pangatlong kasapi ay kukuha ng isa sa mga temang nabanggit upang palalimin pa ang pagtalakay. Paano hinarap ng teksto ang tanong/tema? Ano ang kinahinatnan ng pagsusuri/imbestigasyon sa tema? Paano nito pinayayaman ang talakayan sa klase?
5. Magkakaroon ng malayang talakayan bago maubos ang oras. Ang ikaapat na kasapi ang unang sasalo sa mga katanungan sa bahaging ito. Kung may oras pa, maaaring magbigay ng karagdagang sagot ang iba pang mga kasapi.

Mga paalala:

1. Sa Kagawaran ng Pilosopiya magaganap ang ulat. Siguraduhing lahat ng kasapi ng grupo ay makarating sa oras na inyong nilistahan.
2. Kailangang maganap ang buong ulat at matapos ang apat na kasapi sa loob ng labinlimang (15) minuto. May tablet sa mesa ng tagpuan kung saan mababantayan ang oras na nalalabi para sa grupo.
3. Magdala ang bawat kasapi ng sariling nakaprentang kopya ng babasahin/teksto. Maaaring may sulat o kulay ang inyong kopya ng teksto. Bawal sulatan ng balangkas o kodigo ang likuran ng kopya.
4. Bawal ang mga nota, notecard, kodigo, index card, mga laptop o tablet, o telepono habang nagaganap ang ulat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento