Huwebes, Abril 5, 2018

Repetitio:Nihilismo at si Nietzsche 2

Mula sa balangkas ni Mac Parreño 

Nihilismo at si Nietzsche
·         Sinasabi na namumuhay tayo sa panahon ng nihilismo kung saan ang mga bagay-bagay ay nakatuon sa kawalan.
·         Galing ang nihilismo sa Latin na salita na ang ibig sabihin ay wala o kawalan.
·         Ipinakilala si Nietzsche sa klase bilang pagpapakilala na rin sa nihilismo.
·         Ipinanganak si Friedrich Nietzsche noong Oktubre 15, 1844 sa Rӧchen, Sachsen, sa hilagang parte ng Alemanya.
·         At dahil nga ang mga tao sa hilagang parte ng Alemanya ay kalimitan ay protestante ay nanggaling si Nietzsche sa pamilyang Lutheran kung saan ang lolo at ama niya ay mga ministro.
·         Sa kabila noon ay tinalikuran niya ang relihiyon sa kanyang paglaki.
·         Naging propesor siya ng klasikal na Pilologia sa Basel noong 1869-1879
·         Naglimbag din siya ng mga aklat kabilang na ang Die frӧhliche Wissenschaft noong 1882.
·         Sa taong 1889 ay nabaldo siya at nabaliw.
Nihilismo
·         Sa panahon ni Nietzsche ay nainterpreta niya ang lagay ng modernong panahon kaya naman ay nagdeklara siya ng napipintong sakuna na sasapit sa kanluraning sibilisasyon.
·         Sa umpisa ay Kristiyanismo ang tagapaghatid ng moralidad.
o   Ngunit sumapit ang mga digmaang pandaigdig na sa pagitan rin naman ng Kristiyanong mga bansa.
o   Lumaganap din ang sekularismo.
o   Kalaunan, dahil sa ilan pang mga salik, ay humina ang kapit ng Kristiyanismo bilang tagapaghatid ng moralidad.
·         Pagluwag ng moral na kasiguraduhan.
o   Ang agham ay nagdudulot ng kasiguraduhan.
o   Si Karl Marx at ang Rebolusyong Industriyal
§  Bago ang panahong ito ay ang panahon ng pasadya na mga sapatos atbp.
§  Sa pagsapit ng rebolusyong industriyal ay napalitan na ng mga makina ang gawain ng mga manggagawa na nagdulot ng alyenasyon dahil nagiging parte na ng makina ang manggagawa at naging kasangkapan na lamang ang mga ito.
§  Nakita ni Marx  na imbis na magdulot ng kaluwagan ay ginawa pang kasangkapan ang mga manggagawa ng pag-angat ng teknolohiya.
o   Dulot rin ng makaagong teknolohiya at malawak na agham ang mga armas na nagpabago sa pakikidigma.
§  Naging panganib na ang kaluwagan na dulot sana ng kasiguraduhan ng agham dahil sa paglitaw ng mga armas para sa pangmalawakang pagkasira.
Sigmund Freud
·         Nabanggit rin si Freud dahil sinasabi niya na kumikilos ang tao ayon sa nagkukubling malay na kaiba naman sa cogito ni Descartes dahil ito naman ay mulat sa sariling pag-iisip.
Kaya nga’t sinabi na mas madaling tukuyin ang moral na gawain kung si Descartes ang masusunod ngunit sa pagpapakilala ng nakukubling malay ni Freud ay mas lalong lumabo kung makatuwiran pa nga ba ang kilos ng kotemporaryong tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento