Mula sa balangkas ni Karisse Palacol
Panumbalik sa Nihilismo
- Ayon sa punto de bista ni Nietzsche, ito ay panahon ng kawalan (kasiguraduhan at katwiran) dahil hindi pala totoo ang lahat ng sinabi umanong nakataga sa bato.
- Pagdanas ay dama ng lahat ng sibilisasyon dahil iisa ang kinagagalawan nating daigdig.
- Kung maluwag na ang moral na kasiguraduhan, posible pa ba ang pagpapakatao?
Ang Baliw ni Friedrich Nietzsche
- Nagsimula ang kuwento sa isang baliw na nagsindi ng gasera sa gitna ng liwanag ng tanghali, at humiyaw ng “Hinahanap ko ang Diyos!”
o Hinango ito sa lumang kuwento ng isang Griyego na si Diogenes Sinope
▪ Naghahanap ng mabuting tao sa liwanag
o Normal na mahirapang maghanap sa kadiliman
o Ngunit para sa isang tao na hindi pa rin makita ang hinahanap sa gitna ng tanghali, habang may hawak na gasera, siya ay maituturing na isang hangal.
o Punto: Kahit saan man pumunta, walang tao/Diyos ang makikita.
- Nakita ito ng mga hindi naniniwala sa Diyos at pinagtawanan ang baliw.
- Sinagot ng baliw ang kanilang mga mapangutyang tanong at sinabing: “Pinatay natin ang Diyos – ninyo at ko!”
o Hindi namimintang kung hindi pagbibigay-diin
o Pinatay nating lahat ang Diyos’ sa paraaang literal (base sa kasaysayan), at simbolikal (pagkawala ng kasiguraduhan o nihilismo)
- Nagkaroon ng monologo ang baliw at nagtanong sa kung paano natin pinatay ang Diyos at kung paano tayo naapektuhan dito.
o Isinakonteksto sa panahong medyebal kung saan ang kosmolohiya ay may interpretasyong teolohiko
▪ Kay Dante: lupa ang gitna at ang nasa itaas ay langit, habang ang baba ay impyerno
▪ Pag-unawa ng tao sa ganitong itsura ng daigdig = pag-unawa sa kahulugan ng kanilang buhay
o Kaiba ito sa kasalukuyang panahon na ang astronomiya ay inuunawa sa isang mekanikal, pisikal, at kemikal na paraan.
▪ Pagkawala ng paglapat ng naratibo ng kahulugan sa buhay
o Dahil wala nang naratibo, mundo na ang sumasabay sa tao.
▪ Hal. Sa halip na tignan ang mga bituin upang hindi maligaw, GPS na ginagamit bilang gabay.
- Sa etikal na aspekto, ang pagkamatay ng Diyos ay dahil sa mga modernong pilosopo.
o Kant: Kahit na hindi kailangan ang Diyos sa pagtupad ng kaniyang teorya ng ‘kautusang walang pasubali’, pinili niya pa rin na maging relihiyoso/Lutheran.
o Ngayon, nawala na ang puwang dahil wala nang lugar ang Diyos sa etika at agham.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento