Lunes, Abril 9, 2018

Repetitio: Gott ist Todt

Mula sa balangkas ni Elys Escueta

Patay ang Diyos! Nananatiling patay ang Diyos! At tayo ang pumatay sa kanya!
- Mahalaga at makahulugan ang pagsasama ng tatlong pangungusap na ito na iisa ang sinasabi ngunit may magkakaibang pakay. Patay ang Diyos hanggang ngayon at tayo ang pumatay – ikaw at ako.
- Kung gayon, sino na ang magiging “Diyos”?
May mahalagang tungkulin ang Diyos sa lipunan lalo simula pa (o lalo na) noon.
- Hal. Hudyo: Pag-aalay sa Diyos ng dugo ng hayop bilang paraan ng paglilinis sa tao
- Hal. Katoliko: pag-aalay ng katawan at dugo ni Kristo at ang paggunita ng Biyernes Santo
“Kung mawawala ang Diyos, mababakante ang tagapaghugas natin. Sino nang gagawa noon?”
a. Agham – ngunit kahit ito ay aminadong hindi kayang alamin lahat.
- Hal. Heisenberg’s Uncertainty Principle - hindi kayang alamin nang sabay ang bilis at posisyon ng electron
- Sa madaling salita, dahil hindi masasagot ng agham ang lahat, hindi yata nito kayang gampanan ang posisyon ng Diyos/kasiguraduhan sa ating buhay
b. Nietzsche: Tayo ang sasalo ng tungkuling iniwan Niya – dambuhalang gawain
- Pagbasag ng gasera ng baliw at pagsabing “dumating ako ng napakaaga, hindi ko pa panahon”
o Hindi pa kayang tanggapin ito noon panahong iyon dahil masyadong malakas pa ang kapit sa kasiguraduhin dala ng relihiyon at ng siyentipikong rebolusyon
o Hindi pa handang gumising ang tao sa katotohanang pinatay ng tao ang Diyos
- Ang Diyos na tinutukoy ay ang kasiguraduhan
➢ Ayon sa Kagriyeguhan, ang pagpapanatili ng kosmos sa pagtupad ng telos ang batayan
➢ Ayon kay Sto. Tomas, ang moralidad ay nasa paggabay ng Diyos
➢ Ang pilosopiya naman ni Kant ay pagsisimula ng pagpasan ng tao ng etika; ng pagkilatis ang paggawa ng tama o mali ayon sa batayan ng tao at hindi ng Diyos.
➢ Sinasabi ngayon ni Nietzsche na si Kant, hindi niya alam na pinatay din niya ang Diyos sa paraang pinapalaya niya ang tao mula sa sigurado at sa katiyakan
o Requiem aeternam deo = “mamayapa magpakailanman ang Diyos” – Awit para sa ililibing
Kahulugan at Kahihinatnan
1. Pagwasak ng mga kasiguraduhan
a. Kahit wala na ang Diyos, kailangan hanapin ng tao ang moralidad
2. Nagbubunga ng absolutong kalayaan ang kamatayan ng Diyos
a. absolutong kalayaan ni John Paul Sartre
3. Mahiwagang inantabayanan ang kaisipan ni Freud na kailangang patayin ang ama upang maging sariling tao
4. Dating naghatid sa sangkatauhan ng moralidad at dapat sa pamumuhay ang Kristiyanismo
a. Ang relihiyon ay bakas ng pangangailangan ng gabay ng tao
5. Sa Also sprach Zarathustra, idineklara ni Nietzsche na kailangan magsulat ng mga bagong kautusan
a. Zarathustra sa kanyang panaginip: “basag na lahat ng tableta (mga utos), kailangan magpundar ng bago
6. Pag-ibayuhin ang nihilismo
7. Nagtapos tayo sa pagbabanggit ng
a. Walang hanggang pag-ikot ng katulad
i. Pinakamatimbang na pasanin
ii. “Pinakanag-iisang pag-iisa” – biglang napapaisip ng “what-ifs”
iii. Engkanto: uulit ang buhay ng pareho
iv. relo de arena – Sanduhr – pag-ubos na ang buhangin ay babaligtarin lamang at tatakbo na ulit hanggang sa maubos muli ay babaligtarin ulit hanggang sa maubos; paulit-ulit
v. Kung mapapansin, hindi gagamit ng salitang “swerte,” “malas,” “gantimpala,” o “parusa” sa pagpapaliwanag ng ganitong sitwasyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento