Martes, Abril 10, 2018

Repetitio: Ang Gasera ng Baliw

Mula sa balangkas ni Jonah Liao

I. Ang mga hamong hinaharap ng teorya ng etika
A. Pagpapalagay na makatwiran ang tao
B. Ang katwiran natin ay isang ilusyon lamang at ang etika ay imposible

II. Ang pagbabago ng mundo na nagbago ng paghamon sa etika
A. Noon ang kaayusan ng daigdig ay may kaugnayan sa Diyos, ngunit, paano kung ang paniniwalang
ito ay hindi ma-itataga sa bato, wala ng kalikasan ang mundo?

III. Ang hindi natapos na pagsusulat ni Nietzsche na sampung taon niyang isinulat matapos mabaliw
A. Pinag-usapan niya ang Nihilismo, ngunit mayroong kakulangan ng teorya
B. Sinubukan niyang simulan ang bagong pilosopiya sa bagong hinaharap
C. Alam niyang hindi kayang tapusin ng isang tao ang mga sulatin dahil isa itong “dambuhalang”
responsibilidad

IV. Ang Baliw at Ang Pinakamatimbang na Pasanin
A. Kinuha ni Nietzsche ang simbolismo para rito mula kay Diogenes, ngunit iniba ni Nietzsche ang
tanong: mula sa paghahanap ng mabuting tao, hinahanap ni Nietzsche ang Diyos.
1. Retorikal ang tanong niya sa paghananap sa Diyos sapagkat maliwanag ang tanghali at may
dala siyang gasera, ngunit mayroon pa rin siyang hindi makita.
2. Mayroon talagang gustong sabihin ang baliw. Sinadya niya na maghanap sa pwestong
mayroong mga hindi naniniwala sa Diyos, upang makuha ang atensyon ng mga ito. Kinagat
naman ng mga ito ang pain ng baliw.
B. Sa mga salita ni Nietzsche na, “Pinatay natin siya - ninyo at ako! Tayong lahat ang kanyang
tagapagpatay!” binibigyang diin niya na indibidwal at panlahatang pagpatay ang nangyari. Hindi
siya nagmamataas.
1. Tinutukoy ni Nietzsche na ang mga bunga ng siyentipikong rebolusyon ang naging paraan
kung paano natin pinatay ang Diyos
C. Ang teolohiya at ang naratibo ng buhay ay nabago na at hindi na katulad ng medyebal na pag-iisip.
1. Ang pagbatikos ng daigdig ay nagdadala ng panibagong interpretasyon ng mga lumang
ideolohiya katulad ng paniniwala sa tadhana/kalagayaan ng mundo

NOON
Ang mga bagay noon ay ipinapaliwanag bilang kalagayan
lamang ng daigdig na ayon sa Diyos o banal na nilalang
a. Ang ideya ng mga elementong nakikita lamang sa sa
langit ay kinokonsidereng banal.
b. Pinaniniwalang tao ang sentro ng daigdig.
Ang mga bagay ngayon ay nabibigyan na ng lohikal na
pagpapaliwanag.

NGAYON
a. Sapat na ang agham upang bigyang dahilan kung
bakit ang mga bagay ay ganito o kaya’y ganyan.
b.Tayo’y napakaliit lamang na nilalang kumpara sa
kalakihan ng sansinukob. Nawawala na ang pagiging
espesyal ng mga bagay na akala ay espesyal noon.

D. Binigyang diin ng baliw sa kanyang sermon ang kaibahan natin mula sa mga nakatatandang
henerasyon
1. Sinasabi ni Nietzsche na hindi na tayo umaasa sa pag-ikot ng araw sapagkat tayo na ang
mismong dumidikta ng mga kilos natin. Sa pamamaraang ito, pinatay na rin natin ang Diyos.
2. Historikal ang pagkamatay ng Diyos na dala ng modernong panahon.
a) Diyos ang simbolo ng batayan at ang sinasandalan, ngunit dahil iba na ang panahon ay
hindi na ito angkop. Ano na ngayon ang tama at mali?
b) Dahil nawala na ang Diyos, tayo ang papalit sa pwesto nito. Mapupunta sa ating mga
balikat ang mga responsibilidad ng Diyos bilang batayan.
3. Sinimulan na ni Kant ang paglipat ng responsibilidad, ngunit sa panahon ni Nietzsche pa lang
ito umiiral.

V. Kahulugan ng Kwento
A. Ang kamatayan ng Diyos ay nagbunga ng absolutong kalayaan
B. Ang pag-iisip ni Freud na kinakailangan munang mamatay ng ama, upang maging sariling tao na
ang bata.
C. Ang pag-iisip na maari nang maging sariling tao sa pagkakaalis ng awtoridad na kapangyarihan.
D. Dating naghatid ng sangkatauhang moralidad at gabay ang Kristiyanismo, ngunit ang pagdating ng
mga agham at modernismo ang nagbabago ng mga gabay nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento