Mula sa balangkas ni Jaylene Mata
Mula sa iba pang mga sulatin ni Nietzsche; mga tugon upang mapagibayuhan ang Nihilismo
o Walang hanggang pagikot-muli ng katulad
"Ang pinakamatimbang na pasanin"
Pinakanag-iisang pag-iisa
Pagmumunimuni sa kahulugan ng buhay
Kung naiba ang mga pangyayari iba din ba ang buhay mo ngayon?
Engkanto: walang mababago kahit ulitin mo ang buhay mo; hamak na alabok mula sa alabok
Relo de arena-Sanduhr: paulit-ulit itong itutumba
Mga interpretasyon:
Talinhaga ng totoong buhay
Hal: paulit-ulit ang ating ginagawa sa araw-araw; gising sa umaga, kakain, pupunta sa eskwela, atbp.
Kung ganito ang buhay may telos pa ba? Paano kung walang patutunguhan ang buhay?
Hal: may ibang tao na pinipiling wag ng bumoto dahil para sa kanila'y wala namang saysay ang kanilang mga boto
Etikal na gabay: Kant-kautusang walang pasubali; nanaisin ko bang maging pangkalahatang batas ang aking kilos? Bukod pa dito, nanaisin ko bang paulit-ulit at di-mabilang na beses kong gawin ang bagay na ito? Nanaisin ko ba itong ulitin magpakailanman?
Mga tugon:
Unang tugon: Isusumpa mo ang engkanto; magmamakaawa ka; sisisihin mo ang mga eksternal na aspeto ng iyong realidad sa iyong pagdurusa
Pangalawang tugon: "isa kang Diyos at 'di ako kailanman nakarinig ng ganitong makaDiyos!"
Tanggap mo ang iyong sarili kung kaya't ayos lang na pagdaanan muli ang iyong buhay; lahat ng mga pananagutan ay pagkakataon upang mas maipahayag kung sino ka
Walang hanggang pag-ikot-muli ng katulad ay pagtanggap sa sarili dahil walang ibang sangguni ng moralidad, walang Diyos, walang panlabas na masisisi
Dapat pagharian ako ng ganitong kaisipan na siyang magiging gabay sa kongretong kilos at pagpapakatao
o Kawalang halaga ng mga pagpapahalaga
Tunay at walang hanggang tugon sa nihilismo
o Ang ibayong tao (Übermensch)
Preposisyon:
über at unter
Supra at infra
Kung nais nating maging Übermensch kailangan natin maging malalim
Taong may hawak sa sarili; may pag-ibayo sa sarili
Minahin ang pinakakaibuturan ng iyong sarili upang makilala ang iyong sarili
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento