Huwebes, Abril 12, 2018
Repetitio: Ang Pinakamatimbang na Pasanin
Mula sa balangkas ni Binky Uy De Ong
Mga tugon at paraang mapag-ibayuhan ang Nihilisimo:
1. Walang hanggang pag-ikot-muli ng katulad
a. Engkanto
i. buhay na isinabuhay mo ngayon, kailangan mo ulit isabuhay.
ii. Di-mabilang na beses isasabuhay.
iii. Walang katapusang pagikot.
iv. Pag-iral mo palagi paulit paiikutin (Relo de Arena).
b. Ang pangyayari na binabase sa labas
i. kung iisipin na yung matinding pagsusubok na nangyari na sa
buhay natin, at iispin na darating iyon ulit, kaya ba natin
tanggapin na mangyari ito ulit? (paniniwala sa tadhana)
c. Hindi binabase ang pangyayari sa labas
i. Ayon kay Nietzsche, tuwing may gagawin ang isang tao,
kailangan niya isipin kung kaya niya nanaisin gawin ang isang
gawain na paulit-ulit; kung oo, ibig sabihin nito nagwawasto
tayo sa pag-iral natin. Lalo tayo tumutugon bilang tao at
ito ay may kakayahan na baguhin tayo; kung hindi, baka ito
ay mabigat na maaaring dumurog at sumira sa atin.
2. Ang ibayong tao
a. Kinakailangan muna intindihin ang über at unter , [supra at infra].
b. Walang kinalaman ang ibayong-tao sa ebolusyon, genetikong
inhinyeriya o kapangyarihan ng mga superhero sa komiks
c. Ang ibayong-tao ay taong may hawak sa sarili (ang pag-ibayo sa sarili
ay lubos na pagkilala at paghawak sa sarili)
i. Kailangan natin harapin ang demonyo at limitasyon ng sarili
natin
d. Nasa pagitan ng hayop at ibayong-tao ang tao
e. Ayon kay Nietzsche, ang pagturing natin sa sarili natin bilang diyos
ay hamon ng pilosopiya ngunit ito ay kinakailangan para maging
ibayong-tao
f. Kusang pananahan sa ibabaw ng yelo at bundok (pag-iisa) at hindi sa
kapatagan [tulad ng tauhang si Zarathustra]
g. Bunga ng pag-ibayo sa sarili gawa ng kamatayan ng Diyos:
ibayong-tao
3. Kawalang-halaga ng lahat ng mga pagpapahalaga (Umsturz aller Werte)
a. Kailangan natin magpunda ng sarili nating etika - autonomiya
b. Nasa atin na ang napakadambuhalang pangyayari at pananagutan ng
kasaysayan
Ang mga ito ay pinagsikapan na klaruhin ni Nietzsche sa mga nalalabi niyang mga sulatin
ngunit hindi niya natapos ang proyektong ito
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento