Mula sa balangkas ni Mika Hidalgo
Ang pilosopiya ay pamamaraan ng buhay (etika: isabuhay; di lamang pinag-aaralan)
I. Dalawang paraan upang mababad sa aktwal na karanasan:
1. Tunay na buhay na paulit-ulit na pag-iral
a. Hal.: “Lunes nanaman”
i. Kung paulit-ulit ang lahat, tinatanggal ba ng telos?
2. Kant: suriin ang maxim ng kilos, kung nanaisin ng iba, tama ang kilos
a. Nanaisin mo bang gawin ito nang paulit-ulit?
II. Dalawang posibleng reaksyon ng kaudap ng engkanto
1. Hahandusay at mangangalit ng ngipin at isusumpa (May mga karanasang ayaw
pagdaanang muli)
a. Nagmamakaawa, “hindi ko kayang buhatin na pabigat”
2. Isa kang diyos at hindi pa ako kailanman nakarinig ng ganitong makadiyos (Tanggap
na ng buong buo kung sino siya)
a. “Tara, balik tayo sa araw na ako’y isinilang at buhayin muli ang buhay na ito”
III. Pasanin bilang isang gawain na kailangang gawin
a. Pasanin bilang gawain na kailangang buhatin: Dito lumilitaw kung sino ang tao
i. Kung gusto maging mabuting tao, gawin ang pagiging mabuti
1. Paghihirap ng pagiging anak, asawa, atpb. à pabigat
2. O maaari ring magpakita kung sino ka talaga
IV. Paano ito naging tugon sa nilihismo?
a. Saan ka kumapit? à sariling kalooban
i. Ito ang pinanggagalingan ng pamantayan sa kung ano ang tama o mali;
batayan (niloob ko yan; ninais ko yan)
V. Ang Pinakamatimbang na Pasanin
a. Walang hanggang pag-ikot-ikot muli ng katulad
b. Ang ibayong-tao (ubermensch)
c. Kawang-halaga ng lahat ng mga pagpapahalaga
VI. Ubermensch (superman)
a. Kailangang unawain ang mga preposisyonal na unlaping uber at unter (supra at infra)
b. Walang kinalaman ang ibayong-tao sa ebolusyon, genetikong inhineriya o
makapangayihan ng mga superhero sa komiks
c. May hawak sa sarili (lubos na pagkilala at paghawak sa sarili)
i. Tanggap niya ang kanyang sarili – nanaisin pa rin pagdaanan ang lahat ng ito
d. Nasa pagitan ng hayop at ibayong-tao ang tao
e. Nararapat na maging diyos sa kanyang sarili ang bawat tao: ito ang hamon ng
pilosopiya para kay Nietzsche
f. Kusang pananahan sa ibabaw ng yelo at bundok (pag-iisa) at hindi sa kapatagan
g. Bunga ng pag-ibayo sa sarili gawa ng kamatayan ng Diyos: ibayong-tao
h. Ngunit hindi natapos ang proyektong ito; umasa si Nietzsche sa pilosopiya ng
hinaharap
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento