Miyerkules, Abril 4, 2018

Repetitio: Nihilismo at si Nietzsche

Mula sa balangkas ni Jose  Anadia


Nihilismo at si Nietzsche
·     Buhay ni Nietzche
Ø Ipinanganak noong Oktubre 15, 1844 sa Röcken, Sachsen-Anhalt
Ø Galing sa pamilyang Lutheran at mga ministro
v  Pwedeng mag-asawa ang mga ministro
v  Ministro ang tatay at lolo sa nanay
Ø Matalino na simula pagkabata
v  Pinag-aral ng pilologia bilang pagsasanay sa pagiging ministro
·    Pilologia – pag-aaral ng klasikal na teksto sa Griyego at Hebreo
v Sinalin ni Luther sa Aleman ang Bibliya
Ø Hindi natuloy sa pagmiministro dahil itinakwil ang relihiyon
Ø Nag-aral ng panitikan at pilosopiya, at natulungan ng kaalaman sa pilologia
Ø Naging propesor ng klasikal na pilologia mula 1869 hanggang 1879
Ø Nilimbag ang Die fröhliche Wissenschaft noong 1882
Ø Nabaldado noong 1889
Ø Namatay noong August 25, 1900
v Mahigit 100 taon nang patay si Nietzsche pero akma pa rin sa panahon natin ang kanyang mga natuklasan

·     Nihilismo
Ø Interpretasyon ni Nietzsche
v May napipintong sakunang sasapit sa kanluraning sibilisasyon
v Nangyari ang mga karumal-dumal na digmaan sa Kanluran
v Kristiyanismo ang dating tagapaghatid ng moralidad
v Dahil sa mga digmaan, nawalan ito ng kredibilidad bilang basehan ng moralidad
·    Paano ito nangyayari sa Pilipinas?
Ø Pagpasa ng batas sa diborsyo
v Hindi naging basehan ang argumento sa Bibliya ukol dito dahil hindi ito mapapasa kung ito ang basehan.
v Hindi naging basehan ang Kristiyanismo ukol dito
·    Paano naging kwestiyonable ang kredibilidad ng Kristiyanismo?
Ø Modernong teknolohiya
v Kasama sa modernong panahon ang pag-asa na gaganda ang pamumuhay dahil sa modernong teknolohiya, at nabago nga tayo nito
v Nag-iba ng estilo sa pakikidigma dahil dito
v Mga sandata na sa halip na mano y manong engkwentro
v Tira lang nang tira at bahala na kung matamaan ang kalaban o kung may madadamay na sibilyan
v Isang buton na lang ang pipindutin para makapaminsala – parang DoTA
v Paggawa ng mga sandatang lansakang nakawawasak
v Itong inaasahan natin na makakapag-ayos ng buhay natin ay siya ring tatapos nito – iba na ang kahulugan ng modernong teknolohiya
v Paano ito nakita ni Karl Marx ang teknolohiya?
·   Epekto ng teknolohiya sa paggawa
Ø Masasabi noon ng isang karpintero na produkto ng kanyang sariling kamay ang kung anumang matapos niya
Ø Rebolusyong Industriyal – nagkaroon ng mga pabrika
Ø Ang manggagawa sa loob ng pabrika ay paulit-ulit na nagkakabit ng mga piyesa sa buong maghapon
Ø Alyenasyon ng manggagawa
v Nahihiwalay ang tao sa gawain, sa ginawa, at sa sarili
v Naikakahon ang tao bilang kasangkapan sa paggawa na sumusunod sa makina
·     Paghahambing kay Kant at Marx:
Ø Kant: Ang tao ay isang layunin (end) sa sarili nito
Ø Marx: Ang tao ay naging kasangkapan (mean) sa paggawa
Binago ng teknolohiya ang pagtanaw sa tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento