Mula sa balangkas ni Jone Rara
A.
Para kay Kant, dapat munang suriin
ang maxim na pinanggagalingan ng kilos. Kung nanaisin mong sundan ng lahat ang kilos na ito, ito ay moral.
B.
Mas tinitingnan
ng utilitaryanismo ang resulta ng kilos kaysa sa kilos mismo. Ito ay may
pamantayang a posteriori.
1.
Ang moralidad ng
kilos ay nasusukat sa kakayahang maghatid ng kaluguran sa nakararami. Halimbawa si
Robin Hood. Sumasang-ayon ang turo ng Utilitaryanismo sa kilos ni Robin Hood
dahil nagdadala siya ng kaluguran sa mahirap, sa marami.
II.
Ang
Utilitaryanismo sa panahon ni John Stuart Mill
A.
May
mga naniniwalang dapat tumuon sa kaluguran ng mas nakararami lamang ngunit ayon kay
Mill, dapat ding pag-isipan ang mga hindi kasama sa nakararami at nakararanas ng
sakit.
1.Maaaring gamitin
ang ideyang ito sa pag-iisip tungkol sa kaluguran ng hayop. Prayoridad pa rin ang
tao, ngunit kung kakayanin, dapat isipin din ang kaluguran ng hayop.
2.Halimbawa,
ang dahas laban sa droga ng kasalukuyang administrasyon. May
mga utilitaryang sasang-ayon dito at may ibang magsasabing dapat isipin din ang
mga nasasaktan nito.
B.
Hindi madali gamitin ang teorya. Kailangang pag-aralan ng mabuti ang kilos.
1. Hindi sapat na gustuhin o akalain lamang ang resultang makabubuti
sa nakararami. Kailangang makamit ang resultang ito.
a.
Mas mabuti ang
kilos na walang layunin pero may mabuting resulta kaysa sa kilos na may
mabuting layunin pero may masamang resulta.
2. Ang epekto ng kilos ay maaaring malawak at tatagal
sa mahabang panahon.
III.
Kristiyanismo at
Utilitaryanismo
A.
Magkasundo ang
dalawang ito dahil ang mga gawain ng personal na sakripisyong ginagalang sa
Kristiyanong kultura ay makikita rin sa Utilitaryanismo.
1.Ang
halaga ng mga kilos na ito ay kinukuha sa kanilang pagtataguyod ng kasiyahan ng marami kahit ito’y nagbabawas
sa kasiyahan ng indibidwal.
IV.
Panloob at
panlabas na pagpigil
A.
Hindi
tayo obligadong sumunod sa mga panlabas na pagpigil.
1.Alam naman na masama
ang droga ngunit ginagamit pa rin ito ng ibang tao.
Ang ating panloob napagpigil o mga paninindigan ang ating sinusundan at
nagpapatupad ng prinsipyo ng utilidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento