Lunes, Abril 2, 2018

Mga Huling Hirit ni Mill

Mula sa balangkas ni Chin Legaspi

Ika-pitong Seksyon: realistikong paglalarawan sa kaluguran at kung paano ito maaabot.
I. Ang konteksto ng tanong: Lagpas ba ang kaluguran sa abot-kamay ng tao?
- Para sa pilosopo, ang kurunungan ay hindi naaabot ngunit nagiging kaibigan
lamang.
II. Ang realistikong pag-abot sa kaluguran
- Ang kalikasan mismo ng kaluguran: baka may inaaasahan tayong hindi realistiko?
o Kinakailangan ang balanse ng sakit at kaluguran upang masabi ng taong
siya’y maligaya.
- Hindi tinutukoy ni Mill ang pang-araw-araw na kaluguran. Bagkus, tinutukoy niya
ang kalugurang may mas mataas na antas, na paminsan-minsan lang nararanasan.
o Halimbawa: Twister Fries
▪ Ang sarap nito, o ng ano pa mang paminsan-minsang mataas na
kaluguran, ay nasa konteksto ng pag-alam na hindi ito palaging
narito.
o Halimbawa: Pagbabasa ng dula.
▪ Makukuntento ang isang indibidwal sa pagbabasa lamang ng dula
ngunit mag-aabang pa rin ito ng magtatanghal ng dula sa entablado.
- Kasama sa pagdanas ng kaluguran ang pagkabitin.
o Kahit na paminsan-minsan lamang ay tanggap pa rin dahil mataas naman
ang kalidad.
- Edukasyon para sa pag-abot ng kaluguran
o Halimbawa: panonood ng pelikula
▪ May pagkilala na ngayon sa sinasadya mismo ng direktor at sa
pinaaabot niyang mensahe.
Ika-walong Seksyon: Hindi makasarili ang teoryang etikal ng Utilitaryanismo, ang sagot
ni Mill sa batikos ng Kristiyanismo.
- Nauunang isipin ang kaluguran ng mas nakararami bago ang sariling kaluguran.
- Sayang ang isang sakripisyo kung hindi naman nakadaragdag sa kaluguran ng
nakararami.
- Ang maxim ng mga marinero: Kasama ang kapitan sa paglubog ng barko.
o Nagpapahayag ng responsibilidad na unahin ang nasasakupan bago ang sarili.
- Ang kasawian ng mga bayani ay moral at dakila dahil may pagpapahalaga sa kapwa.
Ika-siyam na Seksyon: Isang di-lantarang kundena kay Kant.
- Totoo ang sinasabi ni Kant, ngunit napakadalang nito sa konkretong mundo. Mas
madalas na ang mga kilos ng tao ay nagmumula sa motibo at hindi sa tungkulin.
- Asahan na lamang natin na aatupagin ng tao ang kaluguran ng mas nakararami, maging
ano pa man ang motibo.
- Ang maaaring sagot ni Kant
o Ang prinsipyo ay kayang panghawakan, ang resulta ng kilos ay hindi.
- Malalaman ang moralidad ng kilos sa kung paano ito nakakaapekto sa kaluguran ng
mas nakararami.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento