Mula sa balangkas ni Jolo Villavert.
. Balik-Tanaw: Ang Konsepto ng Kaluguran ay ginagamit bilang batayan ng teorya
A. Konsepto ni Epikuros ng kaluguran (pleasure) at sakit (pain)
1. Ugat ng Utilitarianismo ang konsepto ng kaluguran at sakit
2. Ang Eudaimonia ay buhay na malaya sa kasakitan at karamdaman
B. Ipinaliwanag ni Mill ang mga maling interpretasyon sa Utilitarianismo
1. Ang kaluguran ay laging nababagay ng tao at may iba’t ibang nibel. Dapat
pinipili ang nagbibigay ng mas mataas na kaluguran
2. Hal. - sa pagpili sa pagitan ng kainan o intelektwal na problema, may mga
taong pinipili pa rin ang kainan dahil hindi pa nila nararanasan ang iba’t
ibang nibel ng kaluguran.
II. Bakit patuloy na pinipili ng mga tao ang mga nakakasama sa kanila (hal. Bisyo)?
A. May mga iba’t ibang nibel ng kaluguran at dapat lagi natin pinipili ang mga mas
mataas ngunit bilang tao, pinipili pa rin natin minsan ang mga mas mababang antas
1. Walang oportunidad na maramdaman ng mga taong ito ang mas mataas na uri
ng kaluguran at hindi pa nila nakikita ito
a) Pinipili pa rin ang bisyo kahit alam na ang mabuti ay ang kalusugan
b) Ang may alam ay ang nakasubok na sa samu’t saring kaluguran
2. Mas mabuti ng taong hindi kontento kumpara sa pagiging baboy na kontento
III. Mahirap abutin ang mataas na kaluguran
A. Mabuti na maranasan ang iba’t ibang sining tulad ng mga panitikan dahil nagbibigay
ito ng mas mataas na antas ng kaluguran. Kadalasan, ang mga alagad ng sining ang
kadalasang nagdurusa.
1. Pagkatapos sa isang panig ng sining, hahabulin pa nila ang mas mataas na uri
ng sining.
2. Lagi silang naghahabol ng bagong larangan at ayon ang pagdurusa nila
B. Implikasyon - iparanas mo sa iba ang mas mataas na antas ng kaluguran .
1. Hal. - bilang magulang, iparanas mo sa anak mo ang mga kaluguran na hindi
nakikita sa telebisyon o paglalaro katulad ng mga libro
2. Sa pagpaparanas mo ng mas mataas na antas ng kaluguran, maaaring mong
mai-angat ang pangkalahatang kaluguran sa lipunan.
IV. Prinsipyo ng Aposteriori
A. Nangangahulugang “pagkatapos na ng pangyayari o karanasan”
1. Nakatuon sa pangkalahatang resulta ang Utilitarianismo
2. Walang intrinsikong mabuti o masama sa Utilitarianismo
B. Paano natin malalaman kung mabuti agad ito kapag hindi natin alam ang hinaharap?
1. May pagtitiwala na ang Utilitarianismo sa mga siyensya, statistika, agham
panlipunan, atbp upang malaman ang hinaharap.
2. Alamin muna ang hinaharap upang malaman kung tama ba ang kilos
C. Hal - Robinhood na nagnanakaw mula sa mayaman para tumulong sa mahihirap
1. Maaari nating masabi na mabuti ang pagnanakaw na ginawa ni Robinhood
2. Hindi intrinsikong mali ang pagnanakaw sa Utilitarianismo
D. Elemento ng Panahon
1. Hamon sa Utilitarianismo ay malaman kung hanggang saan tayo titingin
2. Kay Robin Hood, mabuti ang ginagawa niyang pagnanakaw ngayon ngunit
kapag tumagal ito, maaaring maging resulta nito ng pagbagsak ng
ekonomiya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento