Mula sa balangkas ni Raven Sy.
I.Pagkapalasak ng
kasamaan (Banality of Evil)
-Masama ang
pagtanggap na lamang sa mga bagay ng basta basta
-Halimbawa: Mga
I-agree sa websites na maliit ang sulat kung saan ayaw na ito ipabasa sa mga
gumagamit ng website;Ang mga pagturing ng mga kompanya sa mga nagbibgay ng
serbisyo.
II.Kaayusan ng
mundo (Paano ako magsisikap na maging etikal?)
-Mahirap ito dahil
minsan nagkakaroon ng mga kontradiksyon
-Halimbawa:
Tumututol ka sa isang bagay, ngunit tinatangkilik mo ito sa hindi tuwirang paraan
III.Pag-aalam vs
Pag-iisip
-Eichmann-Gumawa ng
krimen dahil hindi siya nag-isip
-Akala niya na okay
lang ang ginagawa niya, kasi naging normal na ito
-Edukasyon bilang
kaalaman
a.Para sa iba, ang edukasyon ay isang
proseso lamang upang matupad o maabot ang kanyang layunin (habol ang diploma lamang upang magamit sa
paghahanap ng trabaho)
b.Makikita ito sa mga mag-aaral na mahilig
lamang isa-ulo ang mga leksyon para makapasa sa mga pagsusulit, pagkatapos kakalimutan na ang mga ito. (Nauso dito ang “Kailangan pa bang imemorize iyan?”)
c.Walang nangyayaring pag-iisip dito, ang pagmememorya
ay mababaw, hindi ito nagpapagana ng isip, pero ang dapat na totoong
pinagdadaanan ng mga nasa pamantasan ay ang pagsasanay sa pag-iisip, dahil ito
ang totoong edukasyon
IV. Ang sinasabi ni
Arendt sa Nihilismo
-Ang kailangan ng
tao ay isang predikasyon at malasakit sa pag-iisip
-Ang pag-iisip ay
isang gawain na naka-ugnay sa pagpapakatao;Hindi ito isang simple na gawain
a.Nakikita kay Eichmann ang pambihirang kababawan dahil hindi
naman siya mangmang, maaari nga na marami silang alam pero hindi siya nag-isip
at kasamaan ang kalalabasan kapag hindi nag-iisip
V.Paglalagom kay
Arendt
Unang Seksyon
1.Ang pag-iisip ay
dapat maging gawain ng lahat, hindi lamang ng iilan. Ito’y makakapagpatuloy ng mga ideyal ng Kaliwanagan. Makikita dito na may awtoridad ang sarili at hindi ang
mga institusyon
-Kahit gaano
kahirap ang buhay, kailangan mag-isip
-Ang pag-iisip ay
isang gawain upang maging makatao
-Alang-alang sa
pagpapakatao, kailangan ng lahat tuparin ang pag-iisip
-Kung nagpapadala
lamang tayo sa daloy ng buhay, parang hayop na lamang tayo
2.Hindi patungo sa
mga absoluto ang pag-iisip.
Walang nakukuhang
batas sa pag-iisip dahil lagi itong nagbabago
Pag-iisip – kilos
at paggawa kahit walang absoluto
Pagkikilos kahit
walang nakataga sa bato
3.Pag-iisip bilang
paglisan at pagbalik
-Ito ang layunin ng
pilosopiya, lilisan ka sa daigdig at titigil ang daloy ng buhay para mag-isip,
at pagkabalik mo sa katotohanan, mas alam mo na kung ano ang dapat gagawin
Ikalawang Seksyon -“Paano gagawin ang pag-iisip?”
-Kaya ba nating
mag-aksyon ayon sa mga teorya, na makakagawa ng kinikilalang mabuti?
-Dito, ipapakita ni
Arendt ang paggamit ng pag-iisip at kung paano maging mahusay sa pagpapakatao
-Babalik ulit kay
Sokrates – walang iniwan, naaalala lamang sa kanyang pamimilosopiya at
pamumuhay
-Aporia - Makikita
sa teksto ni Platon kung saan lahat ay walang lagusan, laging bukas ang mga argumento ni Sokrates;
naging maliwanag na lamang ang lahat kapag ang proseso ang titignan
-Sa pag-iisip,
kinakausap ko ang aking sarili na parang dalawa ako (dualismo)
-Lumalalim ang pagtatalakay kapag kinakausap
natin ang sarili natin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento