Mula sa balangkas ni Gab Mercado
I. Kapanahunan at Buhay ni Hannah Arendt
• Ipinanganak noong 1906 at namatay noong 1975. Siya ay nagmula sa Alemanya at isa siya sa mga Hudyo na lumikas at nagtungo sa Amerika dahil sa mga Nazi.
• Pag-aaral sa Pilosopiya ng Pulitika
❖ Banality of Evil – “Hindi halimaw ang mga gumagawa ng karumal-dumal, tao parin sila.”
II. Paghahati ng sanaysay ni Arendt sa tatlo
• Unang bahagi ay ang pagbanggit kay Nietzsche at ang pagtalakay sa etika sa kasalukuyang panahon, kung saan nawawalan ng pamamaraan ang etika.
❖ Pag-walang bahala ng mga bagay-bagay at pag-kanya-kanya ng mga tao.
• Nabanggit rin ang kamatayan ng Diyos na nangangahulugan ng pagkawala ng kasiguraduhan sa mundong ginagalawan natin ngayon.
III. Mayroong pagkakaiba ang karunungan at pag-iisip.
• Maaaring magamit ang pag-iisip bilang tugon sa Nihilismo.
• Halimbawa 1. Pagkakaroon ng masamang pangalan ng Pilosopiya dahil ito ay “pagsuyod lamang sa konsepto at ang pag-galaw sa abstrakto,” ngunit ang Pilosopiya ay gumagalaw sa larangan ng salita at pagbibigay kahulugan.
❖ Karanasan ni G. Strebel sa pagkausap sa Heswita na minamaliit ang propesyon.
• Halimbawa 2. Palasak na “Kailangan pa bang i-memorize yan?”
❖ Makikita rito ang imahe ng isang tamad na estudyante at ang kanyang tingin sa edukasyon. Madalas, ang pag-aaral at pagkuha ng diploma ay para lamang makakuha ng trabaho. Ngunit ang pag-aaral ay may mas malalim pang kahulugan, at dahil hindi lamang dunong ang kinakailangan, pero pati ang pag-iisip.
o Sa Pilosopiya, kinakailangan ng estudyante mag-isip kasama ang mga Pilosopo at intindihin ang mga turo nito upang maintindihan ng ganap ang Pilosopiya. Kinakailangan na malaman ang mga elemento ng teorya pero alam rin dapat ang aplikasyon nito.
IV. Pag-iisip at Aksyon
• Mayroong palasak na kasamaan sa mundo.
• Mayroong mga tao na mayroong mataas na pinag-aralan ngunit nakakagawa pa rin ng masama.
❖ Halimbawa 1. Sinuri ng mabuti ang pelikulang Ekstra, kung saan inaapi ng mga nasa posisyon ang mga ekstra, at ang mga kapwa-ekstra pa nila (na maaaring hindi mataas na antas ang napag-aralan) ang mas mabait.
❖ Halimbawa 2. Karanasan ni G. Strebel at ng kanyang asawa na nagdadalang tao sa grocery, kung saan may taong nakapila sa priority lane kahit na pang-aabuso lamang ng sistema ang ginagawa nito.
• Hindi laging etikal kahit na mayroong pinag-aralan, “Mahalaga ang pag-iisip ngunit ating nalilimutan.”
• Hindi madaling isagawa at ipagpatuloy ang maayos na pag-iisip.
V. Pagbanggit ni Arendt kay Kant dahil sa pagkawala ng ayos ng pag-iisip
• Nais ni Kant na ilagay ang pag-iisip sa tamang lugar dahil marami ang maaaring maging ganap sa pag-iisip.
❖ Maaaring nawawalan na ng kinalaman sa buhay ang Pilosopiya kung saan kailangang itigil ang lahat para makapag-isip. Sa paggawa nito lamang makakamit ang mas malalim na pag-unawa sa buhay.
• Nagiging kasamaan ang hindi pag-iisip kapag hindi nakakapag-isip ang tao.
VI. Etika bilang kasiguraduhan sa modernong panahon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento