Mula sa balangkas ni Frances Bernardo
● Mga paglalarawan sa ibayong tao
○ Walang itong kinalaman sa ebolusyon, genetikong inhenyeriya o
kapangyarihan ng mga superhero sa komiks
○ Ito ay taong may hawak sa sarili; ang pag-ibayo sa sarili ay lubos na pagkilala
at paghawak sa sarili
○ Nasa pagitan ng hayop at ibayong-tao ang tao
○ Nararapat na maging diyos sa kanyang sarili ang bawat tao; ito ang hamon
ng pilosopiya para kay Nietzsche
● The Banality of Evil = Ang Pagkapalasak ng Karanasan
○ Pagkapalasak → napakankaraniwan, gasgas
○ Iniisip natin na ang mga nakakagawa lamang ng masama ay mga halimaw
■ Halimbawa: sa pelikulang On the Job
● Matapos ang lahat ng pangyayari pinakita pa rin na
ordinaryong tao lang naman sina Daniel at Mario
○ Ang kasamaan ay kayang gawin ng ordinaryong tao na katulad mo at katulad
ko
Konteksto mula sa kasaysayn:
● 70 AD himagsikang Hudyo, para matigil ito winasak ng mga
Romano ang Jerusalem
○ Dahil dito wala na silang permanenteng lupain
● Pagpapatapon ng mga Hudyo, sa kabila nito ay mayroon silang malalim na identidad
at tradisyon
○ Nakapagtatatak sila ng mga pamayanan sa mga nililipatan nila; tulad
ng mga Tsino
○ Hindi mga Nazi ang nagpasimuno ng antisemitismo, bagaman sila ang pinakamatinding halimbawa nito.
Pag-akyat sa poder ng mga Nazi nagsimula ang pagpapaalis sa mga Hudyo;
noong una pinapatapon lamang sila
● Otto Adolf Eichmann -Isang ordinaryong kawani
○ Nasa opisina na nagaasikaso ng mga papel ng mga Hudyo na
isasakay sa tren papunta sa mga kampo
● Ang mga Hudyo pagkatapos ng digmaan
○ Sinabi ng UN na magtayo ng bagong teritoryo ang modernong estado ng
Israel, ngunit hindi naman bakante ang lupain -naninirahan rito ang
mga Palestino
○ Noong binubuo ng UN ang Isarael siniguro nila na mahusay ang
sandatahang lakas
○ 1960 noong hinuli sa Argentina at dinala sa Jerusalem para litisin
● Arendt -1930’s isang Hudyo na nanirahan sa Amerika, estudyante ng Pilosopiya
○ 1960 pumunta sa Jerusalem upang masaksihan ang paglilitis at iulat
ito
○ Dito nakita ni Arendt na ordinaryong tao lamang si Eichmann
● Detalye sa paglilitis
○ Naniwala si Eichmann na wala siyang nagawang kasalanan dahil
sumunod lamang siya sa utos
○ May kinausap na mga Hudyo at tinulungan makatakas ang mga ito
■ Hindi naman pala mababa ang pagtingin ni Eichmann sa mga
Hudyo
○ Si Eichmann ay nagpakita ng kawalan ng kapangyarihan ng mga
indibidwal laban sa mga institusyon: hindi pag-iisip
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento