Lunes, Abril 16, 2018

Repetitio: si Arendt at si Eichmann

• Hannah Arendt
o The banality of evil

Ilang nota sa pagsasalin at pag-uunawa:
❖ Ang mga salita, hindi na pinag-iisipan ng mas malalim. Pinaikli na yung proseso dahil mayroon nang sagot. Nakakalimutan yung imahe na binibigay ng salita. Ang isang salita sa isang wika, walang tunay na katumbas sa ibang wika. Iba yung karanasan ng imahe
❖ Eavesdropping – tengang kawali
❖ Eaves – ang imahe ay nakasabit ka sa media agua para makarinig ng mga sinasabi
❖ Media – gitna, agua – tubig; gitna ng tubig at bintana para hindi pumasok yung tubig sa bahay
❖ Tengang kawali – ang imahe na malaking tenga na maririnig mo ang lahat

• The banality of evil
o Banal
▪ Hindi na katangi-tangi, hindi na kapansin-pansin, hindi na pambihira
▪ Ex: ang tshirt na may puting Supreme nakasulat sa loob ng pulang parihaba
• Noon, sikat ka pag nakasuot ka ng Supreme na damit. Pero ngayon, madami nang nagpirata at wala na masyadong sumusuot nito
o Ang pagkapalasak ng kasamaan
▪ Palasak – ordinaryo, hindi na pambihira
• Winawasak ni Arendt ang pananaw na ang kasamaan ay kayang gawin ng mga halimaw
• Kaso ni Otto Adolf Eichmann
o Hindi mataas ang ranggo ng opisyal sa rehimeng Nazi, nagtrabaho siya sa opisina para sa mga papeles ng mga Hudyo na dadalin sa mga kampo, hindi siya direktang may kinalaman sa mga kampo
o Nakatakas si Eichmann pagkatapos ng digmaan, nagtago sa Argentina
o 1960 – pinahanap ng gobyerno ng Israel si Eichmann
o Depensa niya sa hukuman, “sumusunod lang naman ako sa mga utos”
▪ Ginawa niya ang mga ginawa niya sa sa panahon ng digmann, gagawin mo na ang kahit anong trabaho para lang mabuhay ka, kahit na nakakahirap ito sa ibang tao
o Hindi si Eichmann babad sa pagiging anti-semitismo, may naging kasintahan din siya na Hudyo
o May mga pinalusot siyang tao sa trabaho niya para hindi mapadala sa kampo
o Trabaho lang talaga iyon para sa kanya
o Dahil sa sistema niyang ginalawan, may kulpabilidad pa rin siya
o Nung ibibitay na si Eichmann, maraming nagpadala ng sulat sa Presidente na kahit may sala siya, wag ituloy ang pagbitay.
o Ang paglitis ay isang politikal na paglilitis, kailangan ipakita ng Israel sa buong mundo na kaya nilang idepensahan ang sarili nila sa mga kriminal ng rehimeng Nazi at sa mga bansang Arabong katabi nila

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento