Mula sa balangkas ni Gian Aleta:
Mga Etikal na proposisyon ni Kant.
- Ang mga naituturing na mabubuting
bagay tulad ng kalusugan, yaman at pakikipag-kaibigan ay maituturing lamang
na mabuti kung kaakibat nito ang
mabuting kalooban.
- Ang mabuting kalooban ay hindi mabuti dahil nakakakuha ito ng
magandang resulta. Kahit hindi maging mabuti ang kahihinatnan nito, ang
mabuting kalooban ay mas mabuti pa rin kaysa sa mga bagay na nakamit gamit
ang mga imoral na kilos.
- Ipinapakita ng karanasan na ang katwiran ay isang di maasahang
instrumento sa pagkakamit ng kasiyahan.
- Ang isang may mabuting kalooban ay kumikilos alang-alang sa
tungkulin at hindi dahil gusto niya ito.
- Ang mga altruistikong kilos na nanggagaling sa damdamin ng
pakikisalamuha ay nararapat na purihin at bigyan ng paghihikayat, ngunit
hindi sila masasabing may moral na halaga.
- Ang mga panukalang etikal ni Kant.
- Unang panukalang etikal- Ang kilos ay dapat gawin mula sa tungkulin para ito ay magkaroon ng
panloob na moral na halaga.
- Pangalawang panukalang etikal- Ang kilos na nagawa mula sa tungkulin ay
nakakukuha ng moral na halaga hindi mula sa mga resulta nito, kundi sa
mga kalooban mismong gumawa nito.
- Ang tamang moral na kilos ay ginagawa
lamang alang-alang sa paggalang sa batas. Dito rin
kinukuha ang moral na halaga nito (depinisyon ng tunkulin ayon kay Kant).
- Kailangan sundin ng maakatwiran at malayang tao ang kautusang walang pasubali.
- Pagkakaiba sa pagitan ng kautusang walang pasubali at ng kautusang kundisyunal.
- Kautusang walang pasubali= Ang pagsunod sa maxim at pagloloob na gawin din ito ng iba ay
ginagawa dahil sa moral na halaga nito.
- Kautusang kundisyunal= Nagbibigay payo sa mainam na dapat gawin kung may isang layunin
na kailangang maabot.
- Ang kautusang walang pasubali ay
may dalawang bahagi.
- Una, kailangan ang mga maxim para sa moral na kilos ay magawang
unibersal na walang lohikal na kontradiksyon.
- Pangalawa, ang unibersal na direktibo para sa kilos ay hindi
dapat magdala ng kalooban sa disharmoniya (mga kilos na maka-sarili).
- Irespeto ang lahat ng tao bilang mga layunin at hindi mga
pamamaraan.
- Ang lahat ng kilos na hindi magagawang pangkalahatan nang walang
kontradiksyon ay hindi maituturing na tugma sa ideya na ang sangkatauhan
ay mga layunin at hindi mga pamamaraan lamang.
- Ayon kay Kant, ang tunay na moral na pilosopiya ay hindi dapat madudungisan ng mga konsiderasyong empirikal o mga panlabas na elemento.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento