Mula sa balangkas ni Nikka Chang
Ayon kay
Kant, liban sa mabuting kalooban, wala nang ibang matatawag nating tunay na
mabuti, at ito ang tinutunguhan ng katwiran. Madalas, nahahaluan ng pagkiling
ang tungkulin, kaya kailangan himayin o iabstraksyo.
I.
May
mga bagay na tinatawag nating mabuti, pero ang mga kabutihang ito ay
nakadepende pa rin sa mabuting kalooban.
A.
Ang
panloob
a.
Ang
talino at talento ay depende sa mabuting kalooban, kasi kung walang mabuting
kalooban, ang taong may talino o talento ay pwedeng gamitin ang mga ito sa mga
buktot na paraan.
b.
“Lalong
tumitindi ang karumal-dumal na kontrabida kung sakaling meron siyang mga husay o
galing na gagamitin niya para sa kaniyang mga binabalak.” (Hal. Si Hannibal
Lecter na isang napakatalinong doktor pero kumakain siya ng tao.)
B.
Ang
panlabas
a.
Ang
mga bunga ng ating pagpursigi o kapalaran, tulad ng kayamanan, ay mga bagay na
pwede nating matawag na mabuti, pero nakadepende rin sa mabuting kalooban ang
mga ito. Ang yaman at kasangkapan ay maaari rin baluktotin ng masamang loob
para sa masamang hangarin.
II.
Ang
tinutunguan ng katwiran ay pagbuo ng mabuting kalooban.
A.
Hindi
sumasangayon si Kant sa teorya ni Aristoteles na ang katwiran ng tao ay
patungo sa kaligayahan. Para kay Kant, hindi tayo nandito para lumigaya.
Nandito tayo para magbuo ng mabuting kalooban.
a.
Maaaring
maging bunga ng mabuting kalooban ay isang pagkabigo. (Hal. May mawawala sayo
sa pagsabi ng totoo.) Ito ang dapat na gawin, ngunit hindi naman nakakapagdulot
ng kaligayahan, dahil may nawala sayo.
III.
Ang
kilos natin ay kadalasan nahahaluan ng pagkiling, kaya kailangan tignan ang
pagtatambalan ng tungkulin at pagkiling, upang makita kung ang kilos ba ay may
moralidad.
A.
May
mga kilos na madaling gawin kasi masarap (Hal. Pagligawan) Ito ay uri ng
mabuting gawain na may halong intensyon.
B.
May
mga kilos na kahanga-hanga, pero iba pa rin sa mga moral na kilos.
C.
May
mga kilos na pang araw-araw na buhay na hindi madaling masabi kung may tunay na
moralidad o wala.
IV.
Para
malaman kung may moral na halaga ang isang gawain, pwede nating gawin ang abstracio o paghihiwa-hiwalay kahit sa
larangang konseptuwal lamang.
A.
Kung
mali ang kilos, siguradong labag sa tungkulin at walang moral na halaga. (Hal.
pagbulakbol sa oras ng klase)
B.
Kung
alinsunod sa pagkiling ang kilos at naipapatupad ang tungkulin, mananatiling
kuwestyonable at mahirap masabi kung may moral na halaga. (Hal. Ang negosyanteng
patas magbigay ng presyo, nagagawa ang tungkulin ngunit maaaring dahil gusto lang
niya na bumalik ang mga suki para makakikinabang siya.)
C.
Kung
labag sa pagkiling isang kilos, siguradong mayroon itong moral na halaga. (Hal.
Pagpapahaba ng sariling buhay kahit hirap na hirap na.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento