Mula sa balangkas ni Dom Yu
Modernidad
● Bagong pananaw, bagong pagtingin sa mundo
● Pangkalahatang optimismo
1453: Pagbagsak ng Konstantinopolis (tawiran ng Asya at Europa)
● Kinailangang maghanap ng bagong daan upang maipagpatuloy ang kalakalan.
1521: Naikot ng hukbo ni Magallanes ang daigdig
● Napatunayan na bilog ang mundo
● Natagpo ang mga kultura, sibilisasyon, flora at fauna
● Nagbukas ang isip ng mga taga-Europa
Repormasyon
● 1517, 95 Theses ni Martin Luther
+ Ninais niya na magkaroon ng reporma ang Simbahan
+ Ngunit hindi siya pinakinggan at itinuring na isang erehe
+ Nagtatag ng bagong simbahang kumalat sa hilagang Europa
Mga bunga ng Repormasyon:
● Tumiwalag ang mga Protestanteng Simbahan mula sa Simbahang Romano Katoliko
● Pagkilala sa personal na indibidwal
● Pinawalang-bisa ang Magisterium
○ Sariling pananampalataya, hindi sakramento ang magliligtas sa tao
○ Pang-abuso ng simbahan (hal. indulhensiya)
● Nietzsche: "Ang Protestanteng ministro ang lolo ng pilosopiyang Aleman.”
Moralidad ayon kay Kant
● Kahalagahan ng kaalamang pang-agham sa pag-iisip
● “Ang mabituwing langit sa itaas at ang batas moral sa loob.”—ugnayan at katiyakan ng siyensiya at moralidad
● May taglay tayong rasyonalidad
○ May kakayahan tayong mamulat, mag-isip at magpasya para sa sarili
○ Hindi nakasalalay sa awtoridad ang ating pagkilala sa kung ano ang mabuti at masama
● Pagsunod sa unibersal na moralidad
○ Ang isang maxim ay dapat gawin o sundin kung ito ay nanaising gawin din ng lahat ng tao
○ Bawal magkaroon ng pagtatangi o pagliliban sa mga patakaran ng moralidad
● Wala dapat banggaan o salungatan ng moralidad (moral conflict/dilemma)—idealistikong pananaw
○ Halimbawa: pagsisinungaling
■ Magsisinungaling ka ba upang mailigtas ang buhay ng isang tao?
■ Kant: dapat maging matapat sa lahat ng pagkakataon; kung may mangyari na masama ay hindi ka masisisi
■ Sapagkat hindi dapat isinasaalang-alang kung ano ang magiging resulta ng kilos; dapat ito ay likas na mabuti (good in itself).
● Dapat ang paggawa ng mabuti ay dulot ng pagsunod sa tungkulin, hindi para sa mabuting kalalabasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento