Kalagayan ng Simbahang Katoliko bago ang Repormasyong Protestante:
- Malawak ang sakop ng kapangyarihan ng Simbahan maging ang mga opisyal na namamahala dito; nagmamay-ari ng maraming lupa
- Aleman na monghe ng ordeng Augustino
- Propesor ng teolohiya sa Wittenberg, Sachsen
- “Ama ng Repormang Protestante”
- Isinulat ang 95 Theses noong 1517 kung saan nakalatag ang kanyang pagprotesta laban sa pagbebenta ng Santo Papa ng indulhensiya o pagpapaliban mula sa penitensiya
- Itinuring na erehe ng Santo Papa at naging ekskomunikado
- Paniwala ni Luther na hindi makukuha ang kaligtasan sa pamamagitan lamang ng magagandang gawain, nakukuha ito sa pananampalataya
- pagsalin ng Biblia sa wikang Aleman upang mas maunawaan ng karaniwang tao
- paglantad ng mga katiwalian ng Simbahan
Mga Bunga ng Repormasyong Protestante:
➢ Mga relihiyosong pagbabago:o Doktrina
1. Sola Scriptura – ang Bibilia bilang tanging panuntunan ng pananampalataya
2. Solo Christo – paniwalang ang kaligtasan ay kay Panginoong Kristo mismo
3. Sola Gratia – ang kaligtasan bilang ganap na bunga ng grasya ng Diyos
4. Sola Fide – ang pananampalataya bilang katugon ng grasya na nagdudulot ng kaligtasan
5. Soli Deo Gloria – kaluwalhatian ng Diyos
o Personal na pananaw sa relihiyon
▪ Indibidwal na pagtanaw sa konsensiya
▪ Indibidwal na pananagutan at obligasyon ayon sa dikta ng konsensiya
o Tugon ng Simbahang Katoliko sa Protestantismo
▪ Konsilyo ng Trento (1545) – pagtuon at pagtama sa mga nagaganap na pag-abuso at katiwalian, pagklaro sa mga Katolikong doktrina, tamang pagsasanay sa mga pari, at iba pa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento