Miyerkules, Marso 7, 2018

Prelectio ukol sa Rebolusyong Maka-Agham


Mula sa balangkas ni Kat De Guzman

Siyentipikong Rebolusiyon
  • Umusbong ang rebolusiyong ito sa Europa sa dulo ng panahon ng Muling Pagsilang (Renassaince) at nagpatuloy hanggang sa ika-labing walong siglo.
  • Maraming kaalaman  at pananaw mula sa panahong ito ang nagbigay-daan rin sa Kaliwanagan (Aufklärung).
  • Dahil sa pagyabong ng kaalaman sa matematika at mga natural na agham, nagkaroon ng bagong pananaw ang lipunan ukol sa mundong kanilang ginagalawan.
    • Nakabase na ang mga natural na kaalaman sa pag-eksperimento at pagtatanong, imbis na sumangguni sa mga kaalaman mula sa mga lumang aklat.
    • Simula ito ng paghiwalay ng agham mula sa pilosopiya at relihiyon.
  • Bagaman mahalaga sa pagbuo ng rebolusiyong ito ang mga kaalamang nagmula sa sinaunang Griyego, makikita na mayroong paglihis mula sa mga lumang pamamaraan ng pagiintindi sa agham.
    • Noong ika-labimpitong siglo, mayroon nang mas malawak na pagtanggap sa ma-eksperimentong pamamaraan ng pagtuklas ng kaalaman kumpara sa purong pagpapalagay at pagmumuni.   
  • Maraming mga kaisipan, tauhan, at pagbabago ang bumuo sa rebolusiyong ito.
  Galileo Galilei (1564 - 1642)
  • Itinuturi siyang ama ng modernong agham, na nag-ambag ng mahahalagang kaalaman sa agham ng pisika, astronomiya, kosmolohiya, matematika, at pilosopiya.
  • Isa sa mga unang taong (tulad ni Kepler) ipinagsama at ipinagtuma ang mga kaalaman mula sa matematika at pisika, pati na rin ang pagtaguyod ng mga batas ng kalikasan sa isang matematikang pamamaraan (makikita rito ang pagtingin sa mga pangyayari sa isang empirikal na paraan at paghiwalay sa mga teolohikal na pagtingin sa mga natural na pangyayari).
  • Dulot ng kaniyang mainit na pagsuporta sa heliosentrismo, binansagan siyang erehe ng Simbahang Katoliko, inaresto, at ipinagbawalang ipakalat pa ang heliosentrismo.
  • Isa itong pagguhit sa siyentipikong rebolusyon, isang paghiwalay sa relihiyon at pagtaguyod ng mga katotohanang nakabase sa empirisismo.

Ilan pang mga pangunahing tauhan at ambag na humubog sa rebolusiyon
  • Mikolaj Kopernik (1473 - 1543)
    • Ang paglathala sa kanyang aklat na De revolutionibus orbium coelestium noong  1543 ang siyang sinasabing nagmamarka sa simula ng rebolusyon. Itinaguyod niya rito ang ideya ng heliosentrismo, kung saan ang araw ang siyang gitna ng kalawakan. Kontra ito tradisyonal na paniniwala na ang mundo ang sentro ng kalawakan.
  • Johannes Kepler (1571 - 1630)
    • Isa sa mga unang taong pinagsama ang mga kaalaman sa pisika at astronomiya.
  • René Descartes (1596 - 1650)
    • Mula sa konsepto ng rasiyonalismo, binigyan niya ng diin ang kapangyarihan ng pangangatuwiran. Ibinukod rin niya ang mga kaalamang maaaring malaman mula sa pangangatuwiran lamang mula sa mga kaalamang makukuha lamang sa karanasan.
  • Francis Bacon (1561 - 1626)
    • Mula sa konsepto ng empirisismo, itinaguyod at ipinalaganap niya ang Baconinan method o ang siyentipikong sistema o pamamaraan ng pag-aaral ng agham.
  • Isaac Newton (1642 - 1727)
  • Ang paglathala sa kanyang libro ang nagpakilala ng mga matematikong modelo sa kung paano gumagalaw ang lahat ng bagay sa lupa man o sa kalawakan. Kilala ngayon ito bilang teorya ng grabitasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento