Mula sa balangkas ni Mike Testa
May
mga batayan ang iba’t ibang gawain o kilos. Sa mga argumento ni
Kant, nagsisimula siya sa mabuting kalooban.
Unang Seksyon: Mabuting
kalooban (guter Wille) bilang
pagsisikap ng tao na gawin ang sa tingin niya nararapat, sa halip na gawin ang
isang kilos na may bahid ng pagkiling.
Nota ukol sa liban at bukod
Walang
matatawag na mabuti liban sa mabuting kalooban [Iba ito sa bukod, na
ipinapahiwatig na meron pang ibang mababanggit].
Ang
mabuting kalooban:
·
naka-depende
dito ang mga bagay na mabuti tulad ng talento at talino
·
naka-depende
dito ang mga dulot ng kapalaran at mga bunga nito
·
dito
hinahanap ang etika
·
nangyayari
ito a priori (nauna o bago pa sa
karanasan)
Ikalawang Seksyon: Ang mabuting kalooban, bagama’t hindi maabot nito ang resulta na ninanais, ay
mananatili pa rin na mabuti at may
halaga kaysa sa mga imoral na kilos.
Sa
madaling salita, ito ay tahasang mabuti.
Ikatlong Seksyon: Ang nilalayon ng katwiran ay hindi
para maghatid ng kaligayahan, kundi para magbunga ng mabuting kalooban.
Ika-apat na Seksyon: Ang mabuting kalooban ay kumikilos alang-alang sa tungkulin.
·
paraan
ng pagtutuklas sa loob ng larangan ng agham
·
nangyayari
sa lahat ng laboratoryo
·
basehan
ng metodong maka-agham (sa ganito ring paraan, marami tayong natutuklasan
tungkol sa kalikasan)
Hal: epekto ng sikat ng araw sa pagtubo ng
halaman
·
ginagamit
ang metodong maka-agham kung saan may iisang kundisyong iniiba at pinapanatili ang lahat ng iba pa.
Ang
pagtuklas ng moral na halaga bilang pagsasaliksik
Ang
pagpapakita ng siyang moral sa paghihiwalay ng pagkiling at tungkulin
Hal. (ni Kant) mabuting negosyante
·
tungkulin
vs inklinasyon
·
ang pagkilos ng negosyante na patas ay para rin sa pakinabang niya
Para sa mas
mabisang pag-unawa sa ibig ipaabot ni Kant tungkol sa moral na halaga ng
gawain:
Pagkiling
|
Tungkulin
|
Moral na halaga?
|
√
|
Labag
X
|
X
|
X
|
||
√
|
Ayon
√
|
?
|
X
|
√
|
Natatangi
ang moral na halaga sa mga kilos na labag sa pagkiling at naaayon sa tungkulin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento