Iskedyul ng Pabigkas na Pagsusulit:
Sabado 5 Disyembre at Martes 8 Disyembre:
06h45-09h45 para sa may karagdagang
babasahin (20 minutos)
09h45-12h00 karaniwang pagsusulit (15
minutos)
13h00-16h00 para sa may karagdagang
babasahin (20 minutos)
16h00-18h30 karaniwang pagsusulit (15
minutos)
Lunes 7 Disyembre
12h30-13h30 para sa may karagdagang
babasahin (20 minutos)
13h30-14h30 karaniwang pagsusulit (15
minutos)
Miyerkules 9 Disyembre
13h00-16h00 para sa may karagdagang
babasahin (20 minutos)
Maraming salamat sa mga nagpasa ng kanilang
mga iskedyul at nag-abiso ukol sa kagustuhan nilang magbasa ng karagdagang
babasahin ayon sa mga nararapat na pamamaraan (Sa mga hindi sumunod sa panuto,
pasensya na at hindi ako nagpasensya, anuman ang sabihin ni Marcel, hehe!)
Sa kabuuang bilang ninyo, wala pa sa
kalahati ang nagpasa ng kanilang iskedyul kung kaya’t napagpasyahan ko na
lamang na paunahin magpalista ang lahat ng mga nagpasa. Heto na ang iskedyul ng
talaan.
Mga maari nang magpalista sa
Martes, 1 Disyembre:
Kate, Audrey, Cammile, Pat, Riczel, JeffA, Niron, Junna, Michael, Christian, Lauren, Zanne, Rizzah, Geonah, Sharmaine, Matt, Gem, Phil, Miggy, Janica, Adam
Ria, Nicole, Johannes, Robbi, Jeannie, Sofie, PR, Eunice, Rissa, Cheska, Renzi, Ardi, Mela, Bam, Shann, PamB, Anonymous
Ang lahat ng hindi nagpasa ng iskedyul ay maaring magpalista simula Huwebes, 3 Disyembre o kung matapos nang magpalista ang lahat ng mga nasa itaas. Ang mga nais magbakasakali, maaari niyong puntahan ang pagtatapos ng klase ko sa Martes, 1 Disyembre sa ganap na 19h20 sa ikatlong palapag ng Gusaling Berchmans. Basta't tapos na ang lahat ng mga nasa itaas, maari na rin kayo agad magpalista. Kung kaya't pakiusap ko sa lahat ng mga nakalista sa itaas na magpalista na kayo agad upang matapos din agad ang ating talaan lalo na't sa Sabado na ang simula natin.
Maaring magpalista bago magsimula o pagkatapos ng alinmang klase ko sa silid ng klaseng iyon o kaya sa Kagawaran ng Pilosopiya sa oras ng konsultasyon (16h30-18h00).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento