Nais kong ipagbigay-alam agad sa inyo na gawa ng pangkalahatang bilang ng mga estudyante ko ngayong semestre (194 lahat), at ng mas mahabang oras na kinakailangan para sa bawat magsusulit (10 minuto ang pagsusulit noong Oktubre ngunit 15 minuto ang kailangan sa Disyembre), kakailanganin nating magsimula ng mga pagsusulit sa
SABADO
5 DISYEMBRE 2015.
Magsusulit kayong mga estudyante sa Ph103 mula Sabado 5 Disyembre hanggang Miyerkules 9 Disyembre.
Magsusulit naman ang mga estudyante ko sa Ph101 mula Miyerkules 9 Disyembre hanggang Sabado 12 Disyembre.
Samakatwid, sa inyong pagpuno ng ipapasa ninyong iskedyul, punuin niyo lamang ng impormasyon ang mga hanay ng Lunes hanggang Miyerkules at palitan ang hanay ng 12 Disyembre ng 5 Disyembre at doon ilagay ang inyong iskedyul para sa 5 Disyembre kung may klase pa kayo o iba pang pagsusulit sa araw na iyon.
Ginagawa ko ang anunsyong ito upang mabigyan kayo ng sapat na paghahanda para dito lalo na't karapatan ninyong malaman ang iskedyul ng mga pagsusulit tatlong linggo bago ito ganapin.
Maraming salamat sa inyong atensyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento