Huwebes, Hulyo 21, 2011

Inyong mga iskedyul para sa pagsusulit sa Agosto

Mga katoto

Paalala lamang na kailangan na ninyong ipasa ang inyong mga iskedyul sa linggo ng Agosto 8 hanggang 13. Ilagay lang sa mga tamang kahon ang inyong mga klase, mga pagsusulit o iba pang akademikong gawain ayon sa araw at oras nito.

Para saan nga ba ito? Sasangguni ako sa inyong mga iskedyul. Ang may pinakamaraming akademikong gawaing kasabay ng mga oras ng pagsusulit natin ang mauunang pumili ng petsa at oras ng kanilang pagsusulit.

Kaya't mahalagang maipasa ninyo sa akin ang pirasong papel na ito.

Kung nawala ninyo ang kopya ng inyong silabus, maaaring gamitin ang nasa ibaba. Iprenta ninyo sa kalahating short bond paper o letter size paper tapos sulatan ninyo ng angkop na impormasyon.

Bagaman nakakatawa ipaalala ngunit kailangan pa ring ipaalala:
HUWAG KALIMUTANG ISULAT ANG INYONG PANGALAN.

Maaari itong ipasa sa klase o di kaya sa buson hanggang Huwebes 28 Hulyo.

Maraming salamat sa inyong atensyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento