Huwebes, Hulyo 28, 2011

Walang klase sa Biyernes, 29 Hulyo

Mga Katoto,

Bagaman nakasaaad sa anunsyong inilabas ng administrasyon noong 15 Hulyo, na 9h45 ang misa ni San Ignacio at mawawalan ng klase mula 9h30 hanggang 11h30 sa Biyernes, 29 Hulyo, susundin pa rin natin ang nakasaad na sa ating silabus na HINDI TAYO MAGKAKLASE SA ARAW NA ITO.

Orihinal na nakatalaga sa ganap na 9h00 ang misa ayon sa inilabas na akademikong kalendaryo noong Mayo. Ito ang basehan ng nakasulat sa ating silabus. Sa ganitong sitwasyon, tatamaan sana ang Ph101RR (MWF 8h30-9h20) kaya't nadeklara sa silabus na wala tayong klase sa araw na ito. Hindi ko na babawiin ang nakasaad sa ating silabus bagaman nabago ang oras ng misa ayon sa pasya ng administrasyon.

Kaya't mga katoto sa Ph 101 OO (MWF 7h30-8h20) at Ph101RR (MWF 8h30-9h20), sa Lunes, 1 Agosto na lang tayo magkita muli.

Maraming salamat sa inyong atensyon.

PJ s.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento