Martes, Marso 15, 2011

Tutugtog ang Gene Pool!

May humiling na ipaskil ko ito dito kapag nangyari kaya heto na.

Tutugtog ang Gene Pool sa Ride and Roll sa Sabado 19 Marso.

Kaya't sa mga hindi nakasaksi sa amin noong Pamaskong Salu-salo o mga bitin na bitin sa amin (kunwari meganon) o di kaya'y may mga nagtataka kung ano ang tunay na tunog namin (yung humihiyaw ang gitara ni RSA at may tambol din) o gusto niyo lang marinig ang buong bagsik ng Side B, punta na kayo!

Mga alas-8 magsisimula ang tugtugan. hindi ko alam kung kami ang unang-unang sasalang o isa lang kami sa mga unang bandang itatampok kaya punta kayo ng maaga.

benefit gig ito kaya sana ok lang sa inyo bumili ng mga tiket mula sa OSCI.

PS, Bagaman binenta ko ang mga sarili namin para tumugtog sa inyong blue roast, hindi naman yata interesado ang mga nag-oorganisa kaya mukhang ito lang ang tugtog namin sa panahong ito.

Kita kita na lang!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento