Mga katoto,
Kung sakaling hindi ko maisauli sa inyo ang inyong papel at natirang mga maiikling pagsusulit pagkatapos ng inyong pabigkas na pagsusulit, paki-abangan na lamang ito sa aking buson sa Lunes, 28 Pebrero.
Mahalagang makuha ninyo muli ang inyong mga papel lalo na't may ilang mga papel ang nabawasan ng puntos dahil mukhang hindi sumunod sa mga pamantayan at sukat ng papel.
Kung ganito man ang mangyari at sigurado kang sumunod ka sa mga panuto, maaari mong isauli sa akin ang papel na iyong ipinasa tapos padalhan mo ako ng kopya sa email upang maihambing ko ang soft copy sa hard copy ninyo. Kung lalabas na alinsunod nga sa mga pamantayan at sukat ang inyong soft copy, babawiin ko ang nabawas na punto.
Maraming salamat sa inyong pag-uunawa at pagsusubaybay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento