Mula sa balangkas ni Michael Tan
Panumbalik kay Immanuel Kant
Panumbalik kay Immanuel Kant
- Pangalawang Pormulasyon ng Walang Pasubaling Kautusan
- “Ganito ang praktikal na kautusan: kumilos na trinatrato ang sangkatauhan, maging sa iyong sarili o sa iyong kapwa, palaging bilang isang layunin, ‘di bilang isang pamamaraan (kasangkapan) lamang.
- Ngunit hindi ibig sabihin nito na bawal tumangkilik sa serbisyo ng kapwa.
- Sinasabi niya lamang na bawal ituring ang kapwa bilang pamamaraan o kasangkapan lamang. Hindi dapat kinakalimutan ang dangal ng tao (ang layuning tinutukoy).
- Pangatlong pormulasyon ng Walang Pasubaling Kautusan
- “Samakatuwid, hindi lamang bale sakop ng batas ang kalooban, bagkus sakop sapagkat binubuo ng kalooban ang batas para sa kanyang sarili at dahil dito, nasasakupan ng batas na siya mismo ang nagsulat.”
- Hal.: Parang ikaw na rin ang nagsulat kapag sumang-ayon ka isang batas na pinasa ng Kongreso.
- Ayon kay Kant, ang tunay na moral na tao ay siyang nagsusulat ng batas para sa sarili. Ito ang awtonomiya, na kasalungat ng heteronomiya.
- Pambungad sa Utilitaryanismo
- Sumikat dahil kina Jeremy Bentham (1748-1832) at John Stuart Mill (1806-1873) ngunit nagsimula ang konsepto kay Epikuros (342-270 BCE).
- Para kay Epikuros, ang eudaimonia ang buhay na malaya sa karamdaman at kasakitan, nang sa gayon maatupagan ng tao ang kanyang kaalaman.
- May mga tumutol sa Utilitaryanismo na nagsasabing makababoy ito.
- Subalit, may iba’t ibang nibel ng kaligayahan, kaya’t hindi lamang basta’t basta mapapaligaya ang tao sa mga inaatupag ng mga baboy,
- Hindi tuntunin ng Utilitaryanismo paligayahin ang lahat ng tao.
- Ayon kay Bentham, dapat lagi kang handa pumasya na ang nakararami ang nakikinabang sapagkat hindi maiiwasan na may minoridad na magrereklamo o hindi mapapaligya ng iyong kilos.
- Papel ni Mill
- Bagama’t si Bentham ang gumawa ng salitang “Utilitarianism”, nanatili lamang ito sa larangan ng pulitika.
- Si Mill ang nagmana ng ideyang ito mula sa kanyang ama at kay Bentham at pinalawak bilang etikal na teorya.
- Ang akdang Utilitarianism ni Mill
- Isang depensa mula sa mga maling paniniwala at sa mga pumupuna sa Utilitaryanismo.
- Unang pagtutol: Parang ibang-iba at walang kinalaman ang kaluguran sa pakinabang.
- Sagot ni Mill: Pareho ang kaluguran sa pakinabang sapagkat ang kalugod-lugod sa tao ay iyon ding kapaki-pakinabang sa kanya.
- Kaya mahalaga ang kabutihan ng lahat sa Utilitayanismo.
- Imbis na sa layunin, ang pokus ng Utilitaryanismo ang bunga ng isang kilos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento