Mga Katoto sa Ph103 & Ph104:
Kung sakaling mawalan ng pasok sa alinmang araw ng ating mga pabigkas na pagsusulit, malilipat sa Lunes 11 Disyembre ang mga pagsusulit na hindi matutuloy.
Kung mangyari man ito, maglalabas ako ng bagong talaan para makumpirma ng mga apektadong estudyante kung kailan sila magsusulit. Puntahan ako agad sa susunod na araw na may pasok upang makapagtala. Hanapin lang ako sa labas ng dela Costa Hall. Maaari kayong magpatala habang nakikinig ako sa mga nagsusulit.
Nawa'y mabigyang-alam at magabayan kayong lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento