Para sa Ph 104 (Etika):
Upang matanggap niyo agad ang mga balangkas ng pagtalakay ng mga tesis na inihanda ng inyong mga kaklase, napagpasyahan kong ipadala ang lahat ng mga ito sa beadle ng klase. Kung sakaling titignan ko ng isa-isa ang mga ito bago ko ipadala, baka abutin ako ng Sabado at mahuli na para sa inyo. Sa beadle niyo na lamang kunin ang mga kopya ng mga ito.
Tandaan lamang na ipinadadala ko ang mga orihinal na kopya na hindi ko naiwasto kung kaya't kayo na ang magpasya kung ito'y magiging kapaki-pakinabang sa inyong paghahanda sa pagsusulit. Kung kaya't nasa inyo ang pananagutan kung gagamitin ninyo o hindi ang mga balangkas na ito.
Kung sakaling hindi pa ninyo nalalaman ang pangalan ng inyong beadle, heto sila:
sa Ph 104 L (08h00): Lance Tan
sa Ph 104 S (09h30): Sofia Gaticales
Maraming salamat sa inyong pagsubaybay.
Mag-aral ng mabuti para sa pagsusulit. Kaunting tulak na lang, matatapos din tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento