Huwebes, Marso 8, 2012

Malayang Talakayan

Nais ko lamang opisyal na ibalita ang malayang talakayang naihanda nina Vien, Mike, Mark, Jam at OJ.

Magaganap ito sa Colayco Pavillon
sa Biyernes ika-9 ng Marso
16h30-18h00

Wala akong ihahandang panayam o leksyon. Sasalalay ang daloy sa inyong mga tanong kaya't pakibitbit ang inyong mga katanungan ukol sa anumang may kinalaman sa kurso natin.
Maaari ding magdala ng pagkain kung nais ninyo magsalu-salo habang o pagkatapos ng pagtitipon.

Dagdag na pabuya:
Hindi na natin gagawin ang bilangan ng tao para sa gantimpalang n-2.
Sa halip, ganito:
Kung dadalo ka sa pagtitipon mula simula hanggang matapos (hindi ka mahuhuli, hahabol o aalis agad) tapos lumabis ang iyong liban sa klase sa susunod na linggo, maaaring bilangin ang pagdalo mo sa pagtitipon bilang dagdag na pagdalo, samakatwid, pambawas ng isang liban.

Kita-kita na lang!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento