Lunes, Pebrero 20, 2012

May pasok sa Miyerkules, 22 Pebrero

Para sa mga nagtatanong (at tahimik na umaasa) kung may klase tayo sa Miyerkules, 22 Pebrero gawa ng kumpisalan at misa kaugnay ng unang araw ng Kwaresma,

Ayon sa administrasyon, 9h30-11h30 ang pagsuspindi ng mga klase sa araw na iyon.

Sapagkat walang maaapektuhan sa alinman sa mga klase natin sa PH102, may pasok tayo sa araw na iyon.

Para kayo'y magabayan at mapatnubayan.

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento