Unang una, salamat sa inyong pagdalo sa ating pamaskong salu-salo. Ang galing ninyo mag-organisa.
Malugod ko kayong binabati at nakamit ninyo ang inasam na n-3. Sana lamang ay gamitin ninyo ito bilang paniguro lamang imbes na pagkakataon para tamarin na maghanda para sa klase.
Maraming salamat sa mga nag-organisa, naging mga emcee at lalo na ang mga kumanta, sumayaw, tumugtog at iba pa.
Ano masasabi ninyo sa banda ko? pangarap kong tugtugan kayo muli sa inyong Blue Roast sa Marso. Pangako. Gagalingan namin. Papayag ba kayo? Hehehe.
O siya, maligayang pasko sa inyong lahat at manigong bagong taon.
Hanggang sa muli,
PJ Strebel
Sir sana po matuloy po ang pagtugtog niyo sa Blue Roast namin. Excited na po kaming makitang tumugtog kayo ulit. Hindi lang po kaming mga estudyante niyo, ang iba ko rin pong kaibigan ay excited na ring makita kayong tumugtog at ang inyong banda :D
TumugonBurahinSalamat Kristine.
TumugonBurahinMukhang malabo kasi hindi naman yata ako nanalo sa botohan bilang Legendary Teacher of Batch 2011.
:)
kung sa bagay hindi naman ako umasa kasi ibang nibel sina G. Guevara at P. Dacanay. hindi ko sila kaliga. Humihigit (majus) sila. :)