para sa ikalawang pambalanang panayam, heto ang naisip na daloy ni g. calasanz:
magsisimula ang panayam sa ilang katanungan.
mula rito, bubuo si g. calasanz ng isang paglalagom.
pagkatapos ng ilang punto, maaaring magpatuloy sa isang malayang talakayan.
nangangahulugan na kailangan ninyong maghanda ng mga katanungan (batay sa
kanyang mga punto sa unang panayam, sa mga talakayan sa klase nitong mga
nakaraang linggo, o sa personal karanasan sa buhay-pananampalataya, etc…).
naisip niya itong strukturang ito sapagkat sa parehong pagkakataon, naubusan ng
panahon para sa mga katanungan. higit na kapaki-pakinabang din ito kaysa sa
isang panayam ukol sa bagong paksa (i.e., metapisika ng karanasang relihiyoso)
sapagkat sa enero pa natin iyan sisimulan sa tulong ng proslogion ni san anselmo
(gayundin para sa klase ni g. uy).
magkita-kita tayo sa escaler hall sa sabado, 18 disyembre 2010, 09h-12h.
HINDI NGA PALA MATUTULOY ANG PAG-UULIT NG PANAYAM SA LUNES, 20 DISYEMBRE dahil may kailangang daluhan si sir calasanz sa hapon ng araw na iyon. abangan na lamang kung kailan ito matutuloy sa enero 2011.
salamat sa inyong atensyon.
pj strebel
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento