Lunes, Nobyembre 13, 2017

Pagpasa ng iskedyul atbp.

Alinsunod sa memo ng VPLS, regular na araw ng klase ang Biyernes, 1 at 2 Disyembre at gaganapin natin ang huling pabigkas na pagsusulit sa 4-9 Disyembre kung kaya't ang iskedyul ninyo sa 4-9 Disyembre ang kailangan kong alamin.

Liban dito, wala nang iba pang magbabago sa ating iskedyul. Kung kaya't 17 Nobyembre pa rin ang huling araw ng pagpasa ng inyong mga iskedyul. Kayo na ang bahala kung ipapasa ninyo ng maaga kung sakaling magbabakasyon kayo sa susunod na linggo o kung dadaan kayo sa Ateneo kahit walang klase upang ipasa ang inyong iskedyul sa buson.
Maari pa ring gamitin ang nasa huling pahina ng silabus para sa paglista ng inyong mga pagsusulit. Ilagay lang ang mga kauukulang pagbabago sa mga petsa sa itaas nito.
Maari rin humingi sa beadle ng bawat klase ang isang bagong PDF file na mayroon nang mga kaukulang wastong petsa.
Alinman sa dalawang bersyon ay tatanggapin ko.
Maraming salamat sa inyong pagsubaybay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento