Martes, Enero 27, 2015

Huling araw ng pagpasa ng mapagmuning papel

Sapagkat naiurong ang iskedyul ng ating mga palabas, nararapat din iurong ang huling araw ng pagpasa ng mapagmuning papel.

Ayon sa ating silabus, ang orihinal na petsa ay Miyerkules, 11 Pebrero.

Ang bagong petsa ay Lunes 16 Pebrero. Nais ko lamang sabihin na dahil sa pag-urong na ito, hindi ko na maipapangako na maiwawasto at maisasauli ko ito bago ang huling pagsusulit. Kung nais ninyong maisauli ko ang papel bago maganap ang huling pagsusulit, ipasa ninyo ang papel bago magwakas ang Biyernes, 13 Pebrero.

Maraming salamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento