Lunes, Hulyo 28, 2014

Mga Pagbabago sa ating Iskedyul

Sa inyo Ph 103 L & S,

Dahil nga nahuhuli na tayo sa ating kalendaryo gawa ng maraming beses na wala tayong pasok, nagpasya akong iurong ang ating unang pabigkas na pagsusulit sa huling linggo ng Agosto.

Heto ang bagong iskedyul:
Simula ng talaan: Lunes Agosto 18
Unang Pabigkas na Pagsusulit: Agosto 25-30
Mga Palabas: Martes26, Huwebes28 (sa oras ng klase)

Huwag kalimutang iprenta ang huling pahina ng ating silabus upang maipasa sa akin ang inyong akademikong iskedyul (klase, pagsusulit, atbp.) sa linggo ng unang pabigkas na pagsusulit. Iwasto na lamang ninyo ang mga petsa. Kailangang maipasa ito bago mag-alas-4 ng hapon sa Biyernes, Agosto 15. Ilagay ito sa loob ng aking buson. Kung hindi ka magpapasa nito, ibig sabihing tanggap mo ang kahit anong petsa at oras na matitira matapos magpatala ang lahat ng iba.

Kung sakaling matapos pa rin natin ng maaga ang mga paksa para sa unang pagsusulit (huling teksto ang kay Lauer), sisimulan natin agad ang mga paksang susunod (tulad nina San Anselmo at Sto. Tomas) kahit hindi pa ito kasali sa unang pagsusulit.  Sa madaling salita, hindi na uurong muli ang iskedyul ng unang pagsusulit kahit matapos tayo agad kay Lauer.

Nawa'y nakatulong bilang gabay ang paskil na ito.

Sa huli, pakikalat ang balitang ito sa lahat ng kinauukulan.

Maraming salamat sa inyong atensyon.

PJ Strebel

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento