Lunes, Abril 21, 2014

Mga Marka sa Huling Pabigkas na Pagsusulit

Mga katoto,

Nakapaskil na ang mga marka sa huling pabigkas na pagsusulit sa mga bulletin board ng Kagawaran ng Pilosopiya sa bungad at ikalawang palapag ng Dela Costa Hall.

Maraming salamat sa mga litrato (Salamat sa susunod na sasalang sa pagsusulit!), selfie (Teknolohiya nga naman!), mga payak na paalala (mga larawan, compass, kikil, origami, atbp!) at pangkabuhayan package (Nahiya ako't halata ang pagkakuripot ko sa pagsaid ng mga panulat ko! Maraming gamit sa kagawaran; hindi lang ako maaksaya.)! Salamat, salamat, salamat!

Ang bilis dumaan ng semestre at taon nguni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na ibayuhan. Ang sarap pagmasdan kung paano kayo tumubo sa napakaikiling panahon. Maligayang bati sa inyong lahat!

Sa inyo,
PJ Strebel

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento