Huwebes, Hulyo 11, 2013

Ukol sa pabigkas na pagsusulit

Saan gaganapin ang pagsusulit?
Gaganapin ang pagsusulit sa mga batong bangko sa pagitan ng dela Costa Hall, Rizal Library, Leong Hall, SS Hall, at Faber Hall. Hanapin lamang kung saan nagtatagpo ang lahat ng mga landas-pantao sa pagitan ng mga gusaling ito. Sa bangko sa tabi nito tayo magsusulit.
Ngunit, kung alas-singko y medya na ng hapon lilipat na tayo sa Consultation Room 11 sa ikatlong palapag ng dela Costa Hall.
Kung uulan, sa Consultation Room 11 din tayo.

Maaari bang makita ang iskedyul ng mga pagsusulit?
Ipapaskil ang iskedyul ng pagsusulit sa labas ng dela Costa Hall. Hanapin lang ang paskilan ng Kagawaran ng Pilosopiya sa labas ng dela Costa Hall. Hindi na kailangang pumasok sa gusali, naroon na sa labas ang impormasyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento