Para sa Ph 101 JTA-D:
Gawa ng ilang mga pangyayari sa klase kahapon, ipatutupad ang mga sumusunod na mga patakaran upang magkaroon ng disiplina at angkop na kasiryosuhan ang ating klase:
1. Ang sinumang lalabas ng silid habang nagaganap ang klase ay hindi na maaaring pumasok muli sa klase para sa araw na iyon.
2. Mula sa pagtunog ng batingaw ng 07h30 hanggang sa magsimula ang ulat ng repetitio, bawal ang magbuklat ng kopya ng ating teksto, may pagsusulit man o wala. Ang sinumang lalabag dito ay palalabasin sa klase at hindi na maaaring bumalik para sa araw na iyon.
3. Kung may tumunog na telepono sa loob ng silid, nakadeposito man ito sa sulok o hindi, magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit bawat araw ng klase hanggang sa matapos ang semestre.
4. Ang sinumang umistorbo sa klase (daldalang naka-aabala, hindi pakikinig sa nag-uulat, atbp) ay palalabasin sa klase at hindi na maaaring bumalik para sa araw na iyon.
5. Maaari lamang magdeposito ng telepono sa sulok bago magsimula ang klase. Pagtunog ng batingaw ng 07h30, hindi na maaaring magdeposito ng telepono sa harapan. Hindi pahihintulutang magdeposito ng mga telepono ang mga mahuhuli ng pagdating sa klase.
Tandaan na ang pag-iistriktong ito ay gawa ng kadahilanang hindi na umuubra ang kasalukuyang mga patakaran sa klase. Naka-iistorbo na ang pag-uugali ng ilang mga kasapi ng klase. Agad ipatutupad ang mga patakarang ito. Salamat sa inyong atensyon.
PJ Strebel
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento