Magaganap ang ating mga pabigkas na pagsusulit sa mga sumusunod na araw:
Lunes, Martes, Biyernes at Sabado (19, 20, 23, at 24 Marso)
07h30-11h10 para sa mga pumili ng minumungkahing babasahin (20 minuto bawat pagsusulit)
12h15-17h00 para sa mga regular na pagsusulit (15 minuto bawat isa)
Gaganapin ang pagsusulit sa ilalim ng mga puno sa harap ng Dela Costa Hall.
Dagdag paalala lamang sa mga magsusulit sa Biyernes at Sabado 23 at 24 Marso, tandaan na gaganapin ang Programa ng Pagtatapos ng Mga Paaralang Loyola sa mga araw na ito kung kaya't humanda sa matinding sitwasyon ng trapik sa Ateneo. Sapagkat inabisuhan ko na kayo dito, bawal ang mahuli o hindi sumipot sa pagsusulit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento